John Lloyd Cruz, work and leisure mode sa Lisbon, Portugal!

ADVERTISING

John Lloyd Cruz, work and leisure mode sa Lisbon, Portugal!

John Lloyd Cruz, work and leisure mode sa Lisbon, Portugal!
John Lloyd Cruz in Lisbon, Portugal

AKALA KO hindi kasama ang aktor na si John Lloyd Cruz sa bonggang pakulo ng isang glossy fashion-lifestyle magazine kung saan sila yata ang nagpauso ng mga covers at pictorials na sa labas ng Pilipinas pa shinu-shoot.

 
Nauna sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla last year kung saan nag-shoot ang dalawa sa Iceland.
 

Sina Liza Soberano at Enrique Gil sa New York nag-pictorial for the cover ng naturang magazine.

 

This year, iba ang pakulo ng naturang babasahin dahil iikutin yata nila ang buong mundo sa kanilang konsepto using celebrities na currently ay sikat at kilala para sa mga covers.

John Lloyd Cruz, work and leisure mode sa Lisbon, Portugal!
John Lloyd Cruz in Portugal

Nauna na si Gabbi Garcia ng GMA na ang location ng pictorial sa Paris. Si Janella Salvador naman nasa Lisbon, Portugal din na after ng show ng dalaga for ASAP in Toronto ay doon na dumiretso.

ADVERTISING

 

Surprisingly, no less than ang cool at very hip na si John Lloyd ay nasa Portugal din pala for the same project ng naturang glossy.
 
This morning (Tuesday), nag-post ng ilang mga photos si JLC na kuha sa Portugal.
 
Message nga niya sa kanyang IG account: “When in Portugal, they say you have to load up on their seafood fare,” na malamang ay na-enjoy ni John Lloyd ang kanyang seafood lunch na ngarag at pagod sa mahabang biyahe papuntang Lisbon.

John Lloyd Cruz, work and leisure mode sa Lisbon, Portugal!

 
Umalis last weekend si JLC patungong Portugal ayon sa text message ni Thes Gubi (of Star Magic) sa amin nang nagtanong kami ng dagdag na impormasyon sa biyahe ni JLC. “Pauwi na din sila this wk (read: week),” reply nito sa amin.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING