John Lloyd Cruz, walang love interest sa bagong movie

ADVERTISING

John Lloyd Cruz, walang love interest sa bagong movie

John-Lloyd-CruzWALA MUNANG love interest o partner si John Lloyd Cruz sa latest movie niyang The Trial under Star Cinema na ipalalabas na sa Oct. 15. Mabuti at na-etain ang original title nito at hindi ipinilit ‘yung isang title na parang love story ang movie.
Marami sa mga nakapanood na ng trailer nito, including me, ay na-impress sa ilang scenes ni Lloydie while playing the role of mentally challenged student. Iba raw ang naging approach niya sa role kaya iniwasan din niyang panoorin ang Budoy ni Gerald Anderson at iba pang pelikula na tumatalakay tungkol sa mga mentally challenged characters.
Hindi pa man napapanood ang kabuuan ng pelikula ay may mga nagpi-predict na agad na hahakot ng best actor award si Lloydie for his performance in the movie. Why not? Consistent naman talaga sa galing sa pag-arte si John Lloyd, huh!
Bukod kay John Lloyd, nasa cast din ng The Trial sina Richard Gomez, Dawn Zulueta, Ernique Gil at Jessy Mendiola. Excited din kaming mapanood ang mga court scenes sa pelikula at kung paano ginampanan ni Goma ang role ng isang magaling na abogado.
The Trial is directed by Chito Roño na nu’ng mga nakaraang buwan at hanggang ngayon ay may pinagdadaanan pa ring “trial” dahil sa nangyari sa talent niyang si Vhong Navarro.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING