John Lloyd Cruz, umamin nang hiwalay na sila ni Angelica Panganiban

John Lloyd Cruz, umamin nang hiwalay na sila ni Angelica Panganiban

Angelica Panganiban and John Lloyd Cruz
Angelica Panganiban and John Lloyd Cruz

Sa wakas tinapos na rin ni John Lloyd Cruz ang isyu sa split-up nila ng longtime girlfriend niyang si Angelica Panganiban.

Ang tagal kasing hinintay ng publiko at ng media ang sagot niya sa isyu.

Actually, late last year pa ang tsismis ng split-up ng dalawa mula nang magsama muli sila ni Bea Alonzo sa pelikulang “A Second Chance”.

Sinasabing si Bea raw ang new girlfriend ni Lloydie na pamalit kay Angelica Panganiban.

Pero malinaw at nilinaw na ni John Lloyd Cruz ang isyu. “Single na single”, pagbabalita ng aktor sa kanyang current status niya.

Ayaw rin palakihin ng aktor ang tsismis tungkol sa kanila ni Bea.

Sabi nga niya, “Hindi naman dapat iyon nililihim o tinatago. You have to make every moment count. Sa edad kong ‘to, magtatago pa ba? Sina ‘JaDine’ nga umaamin, tayo pa ba? Nakahihiya naman kung magde-deny pa tayo,” nangingiti pahayag ng aktor sa ilang grupo ng press sa isang event niya kamakailan.

Sa kasalukuyan, abala ang aktor sa pagtatapos ng summer romcom nila ni Jennylyn Mercado na “Just The Three of Us” para sa Star Cinema sa direksyon  ni Cathy Molina-Garcia na this April nakatakdang ipalabas.

Ngayon, malinaw na ang lahat. Confirmed, split na talaga sina Lloydie at ang girlfriend niya na si Angelica (na ayaw pa rin niyang i-divulge ang dahilan) at hindi rin totoo ang balitang sila na diumano ni Bea.

Reyted K
By RK VillaCorta