John Lloyd Cruz, tinupad ang pangarap ni Jennylyn Mercado

ADVERTISING

John Lloyd Cruz, tinupad ang pangarap ni Jennylyn Mercado

John Lloyd Cruz, tinupad ang pangarap ni Jennylyn MercadoSinimulan na ang paggiling ng camera para sa unang pelikulang pagsasamahan nina Jennylyn Mercado at John Lloyd Cruz na ididirek ni Cathy Garcia-Molina under Star Cinema.

Sa Pampanga ginawa ang first shooting day together nina Lloydie at Jen, at ayon sa nakasaksi ay kinilig na raw agad ang production team dahil ang lakas daw ng chemistry ng dalawa.

Sa araw mismo ng shooting, hindi raw muna in-introduce sa isa’t isa sina Jen at Lloydie at sa take na sila ng eksena nagkita. After the take, doon lang daw nagpakilala sa isa’t isa ang dalawang lead stars ng movie.

Masaya at super excited si Jen sa movie dahil first time niyang gagawa ng pelikula under Star Cinema at first time din siyang maididirek ni Direk Cathy, at higit sa lahat natupad na rin ang matagal na niyang pangarap na makasama si Lloydie.

ADVERTISING

Noon pa man ay nasa bucket list na ni Jen na makatrabaho si Lloydie. Buong akala niya ay hindi na ‘yun matutupad dahil nasa magkaibang home network sila.

Pero ‘eto nga at nangyari ang matagal na niyang pangarap na makasama sa isang pelikula si Lloydie at blessed ang pakiramdam niya na napansin siya ng Star Cinema para bigyan ng project.

Of course, may blessing din ang GMA 7 para makagawa siya ng pelikula under Star Cinema.

As of now ay wala pang working title ang movie na pagtatambalan nila ni Lloydie, kung saan gagampanan ni Jennlyn Mercado ang role na stewardess wannabe, habang si Lloydie naman ay isang piloto.

Kung walang magiging aberya, ngayong summer nakatakdang ilabas sa mga sinehan ang Jen at Lloydie movie.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING