John Lloyd Cruz, tensiyonado sa isyu ng kasal nila ni Angelica Panganiban

John Lloyd Cruz, tensiyonado sa isyu ng kasal nila  ni Angelica Panganiban

John-Lloyd-Cruz-Angelica-PanganibanAYAW SUMABAY ni Bea Alonzo sa usong kasalan sa showbiz ngayon. Ayaw niya ng kaguluhan.

Si Angelica Panganiban, ayaw maging isang malaking event ang kasal niya kung saka-sakali. Gusto ng aktres, sila ng magiging husband niya ang main event and not the wedding.

Si Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero, tuloy na tuloy na ang kasalan sa Balesin Island Club sa Polilio, Quezon, the day after ng kaarawan ni Heart which falls on February 14. In short, February 15 ang kasal ng dalawa.

Pero si John Lloyd Cruz, mababasa mo na hindi siya komportable kapag kasalan na ang pinag-uusapan. Tila ayaw yata ng aktor na ma-pressure tulad sa mga pahayag niya, dahil may tamang panahon ang pag-aasawa. Maiintindihan mo nga naman siya dahil sa dami ng mga commitments niya at responsibilidad sa kanyang pamilya.

Kaya ang girlfriend niyang si Angelica, idinadaan na lang sa pagpapa-komedya kapag nauurirat kung kailan sila ikakasal.

Tensiyonado si John Llyod Cruz kapag pinag-uusapan na ang pag-iisang dibdib.

Biruan man, pero parang deadma lang si JLC kapag nagpapahaging na ang girlfriend na si Angelica.

Kahit ano man ang paramdam (diretsahan na rin kung minsan) na naghihintay na lang ang aktres sa marriage proposal ng boyfriend, tila hindi pa handa si JLC.

Sa isang event kamakailn, during sa renewal contract signing niya with ABS-CBN sa isang TV interview, mukhang nasupalpal pa ang interviewer nang uriratin ng reporter ang tungkol sa “kasal” nila ni Angelica.

Say ng aktor, “That’s too personal!” Inulit- ulit ng TV reporter ang kanyang tanong sa aktor. Same answer pa rin si John Lloyd. “That’s too personal!”

‘Yun na!

Reyted K
By RK VillaCorta