John Lloyd Cruz, tanggap na ni Annabelle!

ADVERTISING

John Lloyd Cruz, tanggap na ni Annabelle!

SINISIPON PA RIN si John Lloyd Cruz nu’ng parangalan siya bilang Box-Office King ng GMMSF, Inc. sa RCBC auditorium last Sunday. This is the second year na magkasunod siyang ginawaran ng parangal bilang Box-Office King.

ADVERTISING

Galing kami sa 10th anniversary ng The Buzz bago pumunta sa RCBC kung saan nagkaroon ng birthday celebration si Ruffa Gutierrez. Isa sa mga surprises kay Ruffa ng The Buzz ay ang pagbati ng kanyang ama na si Eddie Gutierrez.

Dito nalantad ang paghaharap-harap nila nina John Lloyd kasama ang kanyang manager na si Johnny Manahan plus Mariole Alberto at sila ng misis niyang si Annabelle Rama sa kanilang bahay sa Dasmariñas Village sa Makati.

“Well, natutuwa ako na na-meet ko na sila finally. Kumbaga, hindi naman kailangan ng validation ng friendship, ‘di ba? As long as malinis naman ‘yung intensiyon mo bilang kaibigan, hindi ka naman nanggagamit. So, parang hindi ka naman gaya nu’ng kapag nakikipagkaibiga, hindi mo naman ipinagpapaalam sa mga magulang nila. So, ganu’n-ganu’n lang ‘yon. Nakakatuwa naman na, welcome tayo sa bahay nila,” pahayag ni John Lloyd.

ADVERTISING

It was a very casual dinner ayon kay John Lloyd. “Nu’ng paalis na kami, jokingly, tinanong niya (Annabelle), ‘E, totoo ba ang balita na kayo talaga ng anak ko?’ Natawa lang ako sa kanya. Sabi ko, ‘Tita, hindi po. Hindi po.’ Ayun, sinabi ko kay Ruffa, ‘Mommy mo, o. Tintanong ako.’ Ganu’n lang,” salaysay ni Lloydie.

Sa pahayag naman ni Eddie sa The Buzz, na sa tingin niya close friends na talaga sina Ruffa at John Lloyd, nagbigay rin ng reaksiyon ang aktor dito.

“Kami naman ni Ruffa talaga, medyo lumalim nga ’yung friendship namin since latter part ng ‘(I Love) Betty.’ Kagaya niyan, ’yung custody case, napagku-kuwentuhan namin at saka hindi lang naman ako.”

Nakaalis na ng bansa si John Lloyd kahapon. Kaya sa Amerika na siya aabutin ng kanyang birthday ngayon, June 24. At least, bago siya umalis ng bansa he was able to settle the record-straight sa mga isyung ibinato sa kanya kamakailan.

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

ADVERTISING