John Lloyd Cruz, pinagtatawanan lang ng isyu na split na sila ni Angelica Panganiban

John Lloyd Cruz, pinagtatawanan lang ng isyu na split na sila ni Angelica Panganiban

John-Lloyd-CruzNatatawa si John Lloyd Cruz tungkol sa bakasyon ng girlfriend na si Angelica Panganiban na bumiyahe at nagbakasyon sa New York City kamakailan nang mag-isa.
Akala ng marami, may problema ang dalawa . In short, split na sila, the fact na kapag nagbabakasyon ang magkarelasyon, as always and as expected ay palagi silang magkasama.
Pero sa NYC vacay ni Angelica, isang “Me and Myself” mode pala ito ng aktres na nirerespeto naman ni Lloydie kaya hindi isyu ito sa kanya.
Naniniwala siya na ang relasyon nilang dalawa ay hindi nakakahon. They enjoy each other’s company. They love each other na hindi kailangan na magkasama araw-araw.
Dahil both are busy, there was a time na madalang silang magkita.
Kaya nga ngayong busy ang aktor na katatapos lang ng pelikula niya with Bea Alonzo, busy naman siya sa promotion ng kanyang first MMFF entry na “Honor Thy Father” na isang non-conformist film na ginawa niya dahil gusto niya without thinking the box-office result.
Usually, kapag MMFF, pelikulang pampasaya or pampamilya ang mga entries. Pero with “Honor Thy Father”, alam ni JLC na mabigat ang tema na handa siya at ang mga kasamahan sa produkyon sa kung papaano matatangap ng moviegoers ang obra ni Direk Erik Matti. The film ay hindi Papa Lloydie ang tema. In short, hindi pang-Popoy ang obra.
Sa isang eksena, mabigat at may kurot sa puso ‘yong pag-uusap nila ng anak niya na nalalagas ang buhok dahil may cancer ito. Nahihiya ang bata na lumabas para makipaglaro sa mga kaibigan. Kaya para patunayan ng ama sa anak na mali ang iniisip nito, kinuha niya ang salamin at pinahawakan sa anak at siya mismo ang nagtastas sa buhok niya para maging kalbo tulad ng sa anak niya.
Ang galing ni JLC sa eksena na ‘yun na pakiwari ko’y siya lang ang makapagtatawid ng gayong eksena sa mga kaliga niya.
Si John Lloyd, palaging may pang-gulat kapag may pelikula. Mabuhay ka!

Reyted K
By RK VillaCorta