John Lloyd Cruz, pinabilib ang co-stars sa bagong pelikula

ADVERTISING

John Lloyd Cruz, pinabilib ang co-stars sa bagong pelikula

John-Lloyd-CruzSA TINDI ng mga nasasagap naming tsika about sa pelikulang The Trial, nasasabik na naming panoorin ito. Halos lahat ng mga artista rito ay matindi ang paghanga sa isang John Lloyd Cruz. Yes, si JL nga ang bida rito at talagang masasabing kakaiba ang kanyang papel dito. Isang 28 years old na ang level ng utak ay 14 years old. Sa madaling salita, delayed.

ADVERTISING

May isang artista pa nga ang nagsabing, hindi na siya maniniwala sa mga award-giving bodies kung hindi si JLC ang mananalong best actor. Kung sa bagay, wala namang question sa kakayahan ng bida sa movie kung aktingan ang pag-uusapan. Pero sa true raw, super galing niya rito.

Well abangan natin sa Oct. 15 dahil nga showing na ito at isa kami sa pipila sa said movie na under Star Cinema at sa direksiyon ni Chito Roño.

 

ADVERTISING

KAHIT NA dumadaan sa malaking problema dahil sa demanda itong si Derek Ramsay, patuloy pa rin ang takbo ng kanyang career. Mapa-television at mga iniendorso niya.

Saksi kami kung paano naging mabili ang Dunkin’ Donut buhat nang siya ay maging modelo nito. Hindi apektado, bagkus mas lumakas pa ang benta nito.

Ang tanong, hanggang kailan matatapos na ang mga negatibong kumakabit kay Derek?

 

PATULOY ANG paglaban ng mga biktima at kaanak ng lumubog na M/V Princess of the Stars sa pangunguna nga ni PAO Chief Atty. Persida Rueda-Acosta.

Matapang pa rin ang mga biktima at mga pamilya na ilaban ang kaso at sila ay umaasa na sana ay makuha nila ang totoong hustisya.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

ADVERTISING