John Lloyd Cruz, pasok sa serye nina Maja Salvador, Jericho Rosales, at Paulo Avelino

ADVERTISING

John Lloyd Cruz, pasok sa serye nina Maja Salvador, Jericho Rosales, at Paulo Avelino

John-Lloyd-CruzANO KAYA ang magiging role ni John Lloyd Cruz sa seryeng Bridges of Love? Nagulat kami nang makita namin siya sa teaser ng telesery nu’ng Friday. Biglang umapir si John Lloyd na parang galit na galit sa kanyang eksena.

ADVERTISING

Hindi pa namin sure kung bakit at paano siya ipinasok sa Bridges, pero nakae-excite na makita siyang muling umaarte sa teleserye.

Kanino kaya siya magiging kakampi? Kay Jericho Rosales kaya o kay Paulo Avelino? O baka naman siya ang magiging ka-love triangle nina Paulo at Maja Salvador? Well, hindi pa natin alam ang sagot diyan.

Ganu’n pa man, kung ano man ang hatid ng karakter ni John Lloyd sa Bridges of Love, tiyak na marami ang mag-aabang nito. Puwede rin kasing special guest lang siya at kapag kinagat ng televiewers, baka medyo habaan ang role. Basta, wala kaming idea sa mangyayari.

ADVERTISING

Anyway, nagkaroon ng confrontation ang character nina Gael (Jericho) at Carlos (Paulo) nu’ng Friday. Intense ang eksena, pero nag-mediate bigla si Maureen Mauricio. Teka, alam naman ni Paulo na kapatid niya si Jericho, pero bakit kaya hanggang ngayon ay sukdulan pa rin ang galit niya rito?

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING