John Lloyd Cruz, nakatapos na naman ng isang indie film

ADVERTISING

John Lloyd Cruz, nakatapos na naman ng isang indie film

John Lloyd Cruz
John Lloyd Cruz

Tatahi-tahimik lang si John Lloyd Cruz, ‘yun pala halos tapos na ang isang pelikulang ginawa niya, na as of this writing, ayaw pa niyang ibigay ang detalye kung ano.

ADVERTISING

Naikuwento kasi ng aktor ang dahilan ng sugat niya sa kaliwang paa during his shooting ng naturang pelikula.

Mula nang masubukan niya gawin ang indie film na “Honor Thy Father”, tila nasundan muli ang naturang project with the same production team.

Nang makatsika ng ilang entertainment reporters si Lloydie recently, pahaging niyang naikuwento ang tungkol sa naturang project.

ADVERTISING

Pero is it true na may gagawin siya isang short film na idi-direk ni Brilllante Mendoza?

May naikuwento kasi ang direktor sa isang panayam na pahapyaw rin ay may project sila ng kanyang team para sa isang sikat na aktor, na kung puzzle na pagdudugtungin mo, tila si John Lloyd at Direk Brillante ang tinutukoy na “pahulaan”.

Sa mga hindi nakaaalam, si Lloydie, hindi lang pang-showbiz. Ang hilig din niyang dumalo sa mga opening ng art exhibits at bumili ng art works.

Recently dumalo siya sa opening ng isang art exhibit, kung saan nakita siya ng kaibigang art critic and  reviewer na si Ibarra Mateo. Sa ngayon, ang dami na niyang art collections from Pinoy artists natin.

Sabi ng kaibigang Mario Dumaual na minsang na-interview na rin si Lloydie about his art collections, wala pa raw Filipino Masters na kabilang sa mga koleksyon ng aktor.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING