John Lloyd Cruz, nagsalita na sa isyung may anak na siya

ADVERTISING

John Lloyd Cruz, nagsalita na sa isyung may anak na siya

John-Lloyd-CruzANDAMING PUMATOL sa isyung may anak na si John Lloyd Cruz at ito’y 16 years old nang diumano’y nag-aaral ngayon sa UP Los Baños.

Nu’ng una ay ayaw patulan ni Lloydie pero dahil halos lahat ng makausap niya ay ‘yun ang itinatanong ay nagsalita na rin siyang wala siyang anak at wala rin siyang kasamang girl during the LA show ng ASAP.

Ayan at unti-unti nang namamatay ang isyu.

Imposible naman kasing 16 years old na at ngayon pa lang nalaman. Eh, kung mga 3 years old pa lang ang bata, kakalat na ‘yan at hindi na hihinto ang isyu, ‘no!

ADVERTISING

Eh, me pumatol na blogger. Kaya ayun, wala na ring magawa si Lloydie kundi linawin na rin ang isyu.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING