John Lloyd Cruz, nagregalo ng P5-M Mercedes Benz kay Angelica Panganiban?!

ADVERTISING

John Lloyd Cruz, nagregalo ng P5-M Mercedes Benz kay Angelica Panganiban?!

John Lloyd Cruz, nagregalo ng P5-M Mercedes Benz kay Angelica Panganiban?!SA INTERVIEW namin kahapon kay John Lloyd Cruz, para sa presscon ng The Mistress sa mga bloggers, pasimpleng naitanong namin ang aktor kung bakit nagdesisyon na siya na basagin ang katahimikan niya sa The Buzz tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Angelica Panganiban.

Ayon sa aktor, hindi naman tanga ang mga tao at nakikita naman kung ano ang totoo. Ang pagpapakita nila ng magka-holding hands na lumabas sa Rizal Ballroom ng Makati Shangri-La sa katatapos na 6th Star Magic Ball, bukod sa mga pictures na nilabas nila sa Instagram, ay pagkukumpirma lang ng kung ano ba talaga ang namamagitan sa dalawa.

Sa ngayon, iba’t ibang kuwento ang mga naglalabasan patungkol sa dalawa. Isa na nga rito ay bigay daw ng kontro-bersyal na aktor ang Mercedes Benz na gamit-gamit ni Angelica na nagkakaha-laga ng mahigit P5 milyon.

Ayon sa panayam ng The Buzz kay John Lloyd, sasagutin niya ang lahat ng issues sa sandaling matapos ang promo ng pelikula nilang The Mistress, para hindi maparatangan na nagagamit ang relasyon nila ni Angelica sa promo ng pelikula nila ni Bea.

ADVERTISING

 

LABIS-LABIS ANG pasasalamat ni Karylle sa lahat ng mga taong nagdasal, nagpaabot ng suporta at pagmamahal sa kanyang ina na si Zsa Zsa Padilla na ngayon ay kumpirmadong cancer free mula sa kinatatakutang kidney cancer. Pinasalamatan din ang mga nurse at doctor na nag-asikaso sa kanila, kay Dra. Vicki Belo, Tita Angeli Pangilinan at Ms. Kris Aquino na tumulong talaga sa kanila sa aspetong pinansiyal, sa pamilya Quizon na naramdaman niya na isa na silang pamilya.

Naniniwala si Karylle na napakalaki ng naitulong ng mga nagmamahal sa kanila kung kaya’t naging positibo ang kinalabasan ng operasyon. Kagagaling lamang sa America para samahan ang kanyang ina sa pagpapaopera nito sa nakitang golf ball zise na cyst sa kidney ng Divine Diva, dalawang araw pagkatapos ng operasyon at ideklara na cancer free ang ina bago ito nag-sink in kay Karylle.

Bilib na bilib sa tapang at tatag na nakita kay Zsa Zsa, kung saan ‘di niya ito kinakitaan ng panghihina ng loob o takot, sa kagustuhan ding gumaling kaagad ay sinusunod nito ang lahat ng utos ng doktor gaya ng mga kinakailangan na ehersisyo.

Kinumpirma ang pagbabalik ng ina sa bansa ngayong Biyernes, ngayon ay nakahinga na nang maluwag at nabunutan ng tinik sa dibdib niya si Karylle lalo’t alam namin kung gaano nito kamahal ang ina.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING