John Lloyd Cruz, naglabas ng hinaing sa kasalukuyang gobyerno

ADVERTISING

John Lloyd Cruz, naglabas ng hinaing sa kasalukuyang gobyerno

John-Lloyd-CruzNaiintindihan ni John Lloyd Cruz ang kawalan ng pag-asa ng kanyang karakter na si Edgar sa pelikulang Honor Thy Father na showing pa rin sa ilang mga sinehan ngayon.

ADVERTISING

“Nilaglag kasi siya ng mga taong inaasahan niyang tutulong sa kanya,” paliwanag ni John Lloyd.

Inaamin ni John Lloyd Cruz ang kanyang pagkadismaya sa kasalukuyang estado ng bansa.

“Hindi kasi naibibigay ang basic services sa mga tao. Kaya mga kapwa Pilipino natin ay kumakapit sa mga scheme para makatawid. Tapos malalaman nilang scam pala ang mga scheme na ganito. Wala na silang magagawa kasi naitakbo na ang kanilang pera,” sambit pa niya.

ADVERTISING

Naniniwala si Lloydie na merong mga sakim na sadyang mapagsamantala sa kapwa.

“If you ask me, hindi ako happy Filipino citizen kung ang pag-uusapan ay kung naibibigay ang service na karapat-dapat sa atin. Sa mga hirap na nararanasan ng taong-bayan araw-araw, we deserve a better nation,” pag-amin pa niya.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING