John Lloyd Cruz, naghahanda na ring mag-propose kay Angelica Panganiban?

ADVERTISING

John Lloyd Cruz, naghahanda na ring mag-propose kay Angelica Panganiban?

John-Lloyd-Cruz-Angelica-PanganibanKUNG TAHIMIK ngayon ang love affair nina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz, nangangahulugang very much in love sila sa isa’t isa. Iniiwasan nilang maintriga ang kanilang relationship. Minabuti nilang manahimik na lang at huwag i-share sa press, Twitter at Facebook kung anumang romantic moment kung sila’t magkasama.

Kapag tinanong mo si Angelica about her relationship with Lloydie, sasabihin nitong walang problema sa kanilang relasyon na totoo naman. Okay sila, going stronger ang kanilang relationship. Nagdi-date if ever may time sila to go out and have fun together. Wala naman daw something special na dapat pag-usapan. Nasabi na nila kung anong relationship mayroon sila. Ini-enjoy lang nila ang isa’t isa at kung dumating ang time na sila na talaga, mangyayari raw ‘yun.

Siyempre, kay Lloydie manggagaling kung ready na ito to settle down with Angelica and have a family of their own. Ayaw ng actress na madaliin ang mga bagay-bagay. Kailangan daw sigurado sila sa kanilang sarili na mahal nila ang isa’t isa. Mararamdaman natin kung ang isang babae o lalaki gusto mong makasama habang buhay.

Minsan nang nasabi ni John Lloyd na before he reach the age of 40, kailangang may sarili na siyang pamilya at mga anak. Kaya naman focus ngayon ang actor sa kanyang pelikula at TV project. Kailangan niyang mag-ipon para sa future nila ni Angelica. Gusto ng binata na may sarili na silang bahay ng actress if ever sila na nga ang magkatuluyan.

ADVERTISING

Sa mga naging karelasyon ni Loydie, kakaiba raw ang pagmamahal na ibinibigay ni Angelica. Maalaga, malambing, mapagmahal at very understanding. Hindi demanding tulad ng iba nitong naging girlfriend in the past. At saka, halos magkasundo sila sa lahat ng bagay. May nagsabi nga sa aming malapit na kaibigan ni Lloydie, 2 years from now kung sila pa rin ni Angelica, malamang daw na bigyan na ng engagement ring ni John Lloyd ang actress. I’m sure, ikawiwindang ni Angelica kapag nangyari ito. Well, ito ang ating abangan…

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING