John Lloyd Cruz, nag-iinit din sa bashers

ADVERTISING

John Lloyd Cruz, nag-iinit din sa bashers

John Lloyd Cruz, nag-iinit din sa bashersSINABI NI John Lloyd Cruz na hindi talaga maiwasang may haters at bashers, pero mas maiging matutunan mo ring huwag na nga itong pansinin.

ADVERTISING

Sa pahayag nito sa abs-cbnnews.com, sinabi ni Lloydie na, “Wala naman akong magagawa sa kanila kung gusto nilang mag-dedicate ng negativity sa oras nila, gamit ang oras nila. Nasa kanila ‘yon, kanya-kanya tayo. Hindi mo sila p’wedeng bawalan o i-hate for doing that. Kasi kapag ganoon ang nangyari, parang you just give them the pleasure of getting affected sa ginagawa nila.”

John Lloyd Cruz, nag-iinit din sa bashersInamin din ni John Lloyd na may mga punto ring gusto na niyang pumatol dahil below the belt na raw ang mga banat ng bashers.

Saad niya, “Although may mga pagkakataon talaga, especially kapag dinadamay ‘yung pamilya mo, dinadamay ‘yung mga taong ‘di kayang dipensahan ang sarili nila, ‘yung mga pribadong tao sa buhay namin kapag dinadamay nila, minsan umaabot kami sa point na parang gusto naming pumatol. Pero palipasin mo lang ng konting oras, then kaya mo na siyang lagpasan, then you become the bigger person. Kumbaga kung gusto nila na maging productive in negative way, it’s their choice.”

ADVERTISING

Dagdag pa niya, “Tigil ka lang and let it pass.”

Last week, nag-post ang kanyang girlfriend na si Angelica Panganiban sa Instagram account nito ng litrato nila ng boyfriend kung saan may mensahe itong patama sa haters sa kanilang relasyon.

Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING