John Lloyd Cruz, na-challenge sa mga pagbabago ni ‘Popoy’

ADVERTISING

John Lloyd Cruz, na-challenge sa mga pagbabago ni ‘Popoy’

John-Lloyd-CruzIF THERE’S one role na talagang tumatak sa kanyang fans ay ito ang role niya bilang Popoy sa One More Chance.

“Parang sumabay siya sa isang napaka-influential na generation kaya siguro natagalan bago nasundan. Imagine, after eight years ay parang fresh pa siya sa memory ng karamihan. ‘Yun lang. Nagkataon lang siguro na ito ang pelikula na sumasalamin sa generation noon,” sabi ni John Lloyd Cruz who is reprising his Popoy character sa A Second Chance kasama si Bea Alonzo bilang Basha.

It has been eight years since he played the part but people can‘t seem to forget it. Now, eight years later, ipakikita ni John Lloyd kung ano na ang nangyari sa kanyang character.

“The challenge this time ay kung paano ipakikita ang gap of eight years. You try to find the heart of Popoy. Nasaan ‘yung heart niya? Ano ang lagay niya? Ano ang lagay ng character? That was the challenge, the real challenge. Definitely, nag-evolve talaga ang character ni Popoy. Eight years is a long time, imposibleng hindi siya magbago. But the core remains the same. Ang maganda kasi, ang interesting is kung ano ang naging kuwento mo in between. Paano niya naabot ‘yung after eight years? Ano ba ang pinagbago?” paliwanag ng binata.

ADVERTISING

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING