John Lloyd Cruz, mentally challenged na rapist sa bagong movie

ADVERTISING

John Lloyd Cruz, mentally challenged na rapist sa bagong movie

John-Lloyd-CruzTRAILER PA lang ay an’dami mo nang tanong sa isip mo kumba’t nademanda ang mentally challenged na si John Lloyd Cruz sa The Trial at paano niya ito nalampasan?
Nang-rape nga ba siya? Ni-rape niya si Jesy Mendiola? Weh? Totoo nga? Paano nangyari ‘yon?
So me back story kung bakit bading at tomboy ang parents ni John Lloyd sa katauhan nina Sylvia Sanchez at Vince de Jesus? As in nagkatsugihan ba sila o in-adopt lang nila si Lloydie?
Tapos, ba’t nagtatalo ang mag-asawang Richard Gomez at Gretchen Barretto sa kasong rape ni John Lloyd na bestfriend ng anak nilang si Enrique Gil?
Aba, masalimuot nga ang kuwentong ito na produced ng Star Cinema at dinirek ni Chito Roño.
Kaya ang tendency, manggigigil ka dahil gusto mong malaman ang buong kuwento, kaya panonoorin mo nga ang The Trial sa Oct. 15, ‘di ba?
Na-curious talaga ako, kaya ako mismo, magwa-watch nito para hindi ako mahuli sa balita.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING