John Lloyd Cruz, may inamin sa relasyon nila ni Bea Alonzo

John Lloyd Cruz, may inamin sa relasyon nila ni Bea AlonzoInamin ni John Lloyd Cruz na may relasyon sila ni Bea Alonzo, pero bilang magkaibigan lang umano.

Sa report sa TV Patrol kagabi, Martes, February 16, tinanong ang aktor kung sila na ni Bea Alonzo. Sagot ni John Lloyd Cruz, “Hindi po, magkaibigan po kami.”

Itinanggi rin niya na magkarelasyon sila ng kaniyang ka-love team.

Natsitsimis na mag-dyowa na sina John Lloyd at Bea, dahil lagi umanong magkasama ang dalawa sa mga out-of-town at out-of-the country vacations. Nakita pa umano silang magkasama sa ekslusibong Balesin Island.

Ito ay matapos na makumpirmang hiwalay na si John Lloyd sa kanyang girlfriend na si Angelica Pangilinan, at gayundin si Bea na nakipag-break na rin kay Zanjoe Marudo.

Nasa Berlin, Germany ngayon si John Lloyd, kasama si Piolo Pascual, kung saan kasali sa Berlin Film Festival ang kanilang pelikulang “Hele sa Hiwagang Hapis” na idinirek ni Lav Diaz.

Ginagawa rin ngayon ng Kapamilya actor ang pelikulang pagsasamahan nila ng Kapuso actress na si Jennylyn Mercado.

Sabi pa ni John Lloyd patungkol kay Jennylyn sa shooting ng kanilang pelikula, “Nakailang eksena pa lang kami, pero sa nakikita ko, I’m very excited to experience her talent.”

By Parazzi Boy