John Lloyd Cruz, masayang-masaya kay Angelica Panganiban

ADVERTISING

John Lloyd Cruz, masayang-masaya kay Angelica Panganiban

John Lloyd Cruz, masayang-masaya kay Angelica PanganibanNAGPA-UNLAK SI John Lloyd Cruz magpa-interview tungkol sa kanila ni Angelica Panganiban, kahit presscon iyon ng teleseryeng A Beautiful Affair nila ni Bea Alonzo. Makahulugan ang mga binitawan niyang salita na para bang pag-amin na ring sila na nga ni Angel, pero bitin pa rin ang mga kasagutan ng binata. Hindi naman dini-deny ng actor na may namumuong romansa sa kanilang dalawa.

“Wala naman kaming idini-deny. Ang sa akin is ‘yun lang, ganu’n lang. Pero ‘yung talking openly about it, medyo may discomfort tayo,” aniya.

Kung dati-rati’y open si Lloydie na pag-usapan ang kanyang lovelife, ngayon parang umiiwas ito. “Wala lang. Parang ito ‘yung pinipili ko ngayon, pinipili namin. Hindi naman sa nagdi-deny kami or mayroon kaming itinatago. In fact, makikita mo kami kung saan-saan. ‘Yun po ang ibig sabihin na wala kaming itinatago. Pero para pag-usapan pa at bigyan pa ng detalye ang aming relasyon at ang aming mga plano, siguro it’s something na gusto naming sa amin na lang,” sambit pa nito.

Napag-usapan rin ang video nina Lloydie at Angelica na ipinakita ni Direk Dante Nico ‘Ga’ Garcia na nagpapatunay na may romansang namamagitan sa kanilang dalawa. We’re good friends with Ga, sobrang close nilang (Angel) dalawa. Hindi naman ‘yun nagku-cause ng harm or danger sa amin. Wala, parang naging ganu’n na lang, pero parang it’s between barkada, ‘yun ang naging ganu’n. So, it shouldn’t be an issue,” paliwanag ng actor.

ADVERTISING

Nabalita ring ginawan ng kanta ni Angelica si Lloydie sa Barcelona, Spain na labis na ikinatuwa ng binata. “First time nating magawan ng isang kanta and ‘yan ang masasabi ko. Medyo naiilang ako kapag napag-uusapan ‘yang ganyan dahil medyo mahiyain po tayo. Hindi naman normal na gawan ka ng kanta,” wika niya.

Masasabi ba ni Loydie na itong sa kanila ni Angel ang masasabing happiest relationship ever? “Mahirap kasing sukatin. Gaya ng pagmamahal o kaligayahan, para siyang hindi nasusukat. Totoo naman, masayang-masaya talaga tayo ngayon.  Talagang nagpapasalamat  ka na lang sa ibinibigay sa ‘yo ng Diyos, ng mundo, dahil napa-kaano na, it’s good to be true. Ang ganda ng nangyayari sa trabaho, sa career tapos, puwede rin palang tumbasan ng ganitong kaligayahan sa personal na buhay,” masayang sabi nito.

John Lloyd Cruz, masayang-masaya kay Angelica Panganiban

Bagay na nagpapaligaya kay Lloydie tuwing kasama niya si Angel? “More than anything is kung paano kami as partners, ‘yung companionship, ‘yun ‘yung parang tini-treasure mo. Siguro, ‘yun ang meron kami na kaya siguro ako ganito. Tingin ninyo, nagba-blush ako or ang ganda ng ngiti ko. Kasi, lahat maganda, lahat masaya. Basta kami we’re just enjoying kung nagkaroon kami ng pagkakataon to get together and spent together with her family, ‘yung side niya, side ko. Napaka-relax kasi. Wala, masaya lang, enjoy lang, enjoy n’yo lang ‘yung moment,” masayang pahayag ng actor.

Nang mag-guest si John Lloyd sa The Buzz ni Kuya Boy Abunda last Sunday, inamin ni Lloydie na sila na nga ni Angelica. Nilinaw ng actor na wala silang idini-deny ni Angel, nahihirapan lang siyang ibigay ang detalye tungkol sa status ng kanilang relasyon ng actress.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING