John Lloyd Cruz, malaki ang ipinayat matapos makipaghiwalay kay Angelica Panganiban

ADVERTISING

John Lloyd Cruz, malaki ang ipinayat matapos makipaghiwalay kay Angelica Panganiban

John Lloyd Cruz
John Lloyd Cruz

Nang nadalaw kami sa shooting ng “Just The 3 Of Us” mula sa romcon director na si Cathy Garcia-Molina na bida sina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado sa Korea Town sa Angeles City, Pampanga, pansin ko na malaki ang ipinayat ni Lloydie. Mga less 7 to 10 lbs ang nabawas sa timbang ng aktor from the last time na nakita namin siya’t nakausap sa media launch ng pelikula niyang “Honor Thy Father”.

ADVERTISING

Binulungan ako ng isang reporter na katabi ko, “Hindi kaya ininda niya ang split-up nila ni Angelica Panganiban? Napansin ko nga na nawala ang pagka-chubby niya.

“Sa tingin ko, epekto ito ng hiwalayan nilang mag-djowa,” sabi ng isang tabloid reporter sa may bandang kaliwa ko.

Gusto ko sanang tanungin si Lloydie. Gusto kong ibulong sa kanya ang obserbasyon ko na halos magkapareho kami ng tabloid reporter.

ADVERTISING

Mukhang pati hita niya, nabawasan din ng laman. Pero pansin ko, may scar sa may left leg niya na pahaba na pahalang.

Tulad sa una ko na ring naisulat kahapon, si Lloydie, tila naka-moved on, ‘di tulad ng inaakala ng iba na nasa grieving stage pa siya sa split-up nila ni Angelica.

Siguro, kaya siya pumayat, pagod lang sa trabaho. Halos araw-araw daw kasi ang shooting nila, ayon sa kuwento ni Direk Cathy.

Almost two months din silang nabakante, kuwento ng maliit na karinderia na pinag-jingle-an namin sa kanto na katabi ng apartment na pinagsi-shootingan nina Lloydie at Jen.

Pero may biro ‘yong katabi kong reporter sa pagbawas ng timbang ng aktor, “Alam ko na ang rason. Wala nang nagluluto ng breakfast, lunch, at dinner niya dahil wala na si Angelica.”

Puwede! On our way back to Manila, topic pa rin namin ang aktor.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING