John Lloyd Cruz, magsasalita na sa issue ni Anne Curtis?!

ADVERTISING

John Lloyd Cruz, magsasalita na sa issue ni Anne Curtis?!

Anne-Curtis-John-Lloyd-Cruz John-Lloyd-Cruz-Anne-CurtisHINDI PA rin mapigil ang mga tao, patuloy pa ring pinag-uusapan ang isyung pananampal ni Anne Curtis.

Lahat sila, tinapos na ang isyu dahil naayos na raw at humingi na rin ng sorry si Anne.

‘Yun na ang huling statement ng Viva Films na nagha-handle kay Anne.

Ang latest na narinig namin, magsasalita pa rin daw si Anne para linawin na ang lahat. Pero ang dinig namin, kung magsasalita man daw si Anne, kailangan may proteksyon din kay John Lloyd Cruz. Tahimik pa rin kasi si John Lloyd na malapit na rin ‘yang haharap sa press dahil sa bago niyang sitcom. Kaya dapat magsalita na silang lahat, malinaw na ang isyu bago ito humarap sa press.

ADVERTISING

Tingnan natin kung paano maayos at ma-repair ng ABS-CBN 2 ang isyung kinasangkutan ng mga prime talents nila.

Pero tama na rin nga naman ang ginawa ni Anne. Humingi na siya ng sorry, inamin naman niya ang nagawa niyang kasalanan, kaya wala ka nang magagawa sa kanya. Nag-sorry na rin naman eh, ano pa ba ang puwedeng gawin sa kanya? Nangyayari naman ‘yun sa lahat.

Pero bongga ang suporta ng mga kaibigan ni Anne sa kanya, ha!

Nakatsikahan namin si Kim Atienza na co-host niya sa It’s Showtime at sinasabi nitong napakabait ni Anne. Huwag naman daw husgahan agad.

May pinu-promote kasi si Kim na malunggay wonder gulay na tinawag niyang Atienza Naturale na supplement. Sabi nito, magaling itong gamot na magpapababa ng kalasingan. Kaya natuloy kay Anne ang usapan na bakit hindi raw nito bigyan si Anne.

Sabi naman ni Kim, mabait si Anne at hindi naman daw niya deserve ang ganu’ng panlalait. Pero sabi namin kay Kim, bibigyan pa rin niya ng gamot niya para supplement lang. ‘Yun na!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING