John Lloyd Cruz, madrama sa kanyang bagong kilig-movie

John Lloyd Cruz, madrama sa kanyang bagong kilig-movie

John Lloyd Cruz
John Lloyd Cruz

Nagustuhan ko ang pelikula nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado na “Just the 3 of Us”. Hanep sa galing pa rin ni Lloydie lalo na ang confrontation scene niya with Richard Yap na gumaganap bilang ama na nagpabaya sa kanya.

Sa katunayan, iisipin mo na pang-kilig lang ang pelikula nina John Lloyd Cruz at Jen sa direksyon ng box-office director na si Cathy Garcia-Molina. Pero ang sub-plot ay madrama at maraming hugot na tungkol sa paghahanap ng sarili “pamilya” ni Lloydie who plays a pilot.

Sa totoo lang, kilig much, ‘ika nga, ang lambingan nia Lloydie at Jen, lalo na nang mapa-“oo” ni JC (Jen) si Uno na ang bata na nasa sinapupunan niya ay siya ang ama.

Lambingan to the max na ang karisma ng isang John Lloyd Cruz ay hindi pa rin nababawasan.

Kaya nga sa unang araw ng showing, naka-P16 million ang gross sales ng pelikula laban sa kasabayan ng  “Just The 3 of Us” na pelikula nina James Reid at Nadine Lustre na “This Time”, na sa unang araw, kumita lang P15 million. Naungusan sila ng P1 milyon ng pelikula nina Lloydie at Jen.

Bukas, Saturday, nakatakdang umalis patungong Kuala Lumpur, Malaysia si JLC para dumalo sa first international premier ng pelikula sa pamamagitan ng The Filipino Channel or TFC.

Bonus para sa mga fans ni Lloydie na dadalo sa premiere bukas na makapag-selfie sila with the actor sa mga manonod na may VIP ticktes.

Si Lloyie, siya talaga ang “box-office” male star na kahit hindi man hunky ang pangangatawan at may pagkataba-chingching ay sexy pa rin sa paningin namin at sa fans niya.

Si Lloydie ang killer smile niya nakabubuntis pala talaga. Kaya nga si Jen, nabuntis sa kuwento ng pelikula dahil sa “killer ngiti” ng aktor.

Reyted K
By RK VillaCorta