John Lloyd Cruz, libre nang ligawan si Bea Alonzo

John Lloyd Cruz, libre nang ligawan si Bea AlonzoLibreng-libre na nga si John Lloyd Cruz na ligawan si Bea Alonzo. Bukod kasi sa break na ang magandang aktres kay Zanjoe Marudo, lumabas ang report na inamin na umano ni John Lloyd Cruz na hiwalay na nga sila si Angelica Panganiban. Meaning, pareho nang single ang perennial onscreen partners and ready na sila to mingle.

January this year lumabas ang balitang nag-break na sina John Lloyd at Angelica, pero walang nagsalita sa kahit sino sa kanila para kumpirmahin o itanggi ang balita.

Pero sa column ni Salve Asis sa Pilipino Star Ngayon na lumabas noong Huwebes, February 18, narinig niya ang kumpirmasyong break na nga sina John Lloyd at Angelica mula kay Ted Failon sa programa nila ni Noli de Castro sa DZMM.

Sa kuwento ni Ted sa kanilang programa, hindi umano napigilan ng radio commentator at news anchor na usisain si John Lloyd tungkol sa kanila ni Angelica. Naganap umano iyon sa isang pagtitipon sa ABS-CBN at kasama nila si Piolo Pascual.

Umamin umano sa kanya si John Lloyd na break na sila ni Angelica, pero magkaibigan pa rin umano sila sa kabila ng paghihiwalay nila.

Kaya naman pala maraming ulat na madalas na mag-out-of-town at mag-out-of-the country sina John Lloyd at Bea na silang dalawa lang, ‘yun pala pareho na pala talagang malaya ang mga puso nila.

Bagamat itinanggi ni John Lloyd sa isang interbyu sa TV Patrol nito lang February 16 na sila ni Bea, sa itinatakbo ng mga pangyayari, hindi malayong ang kanilang reel love team ay mauwi sa real relationship.

By Parazzi Boy