John Lloyd Cruz, kinumpirma ang naunang pahayag na single na ulit siya

John Lloyd Cruz, kinumpirma ang naunang pahayag na single na ulit siya

John Lloyd Cruz
John Lloyd Cruz

Nag-double confirmation na si John Lloyd Cruz sa mga press na dumalaw sa shooting ng kanyang pelikula with Jennylyn Mercado sa Angeles City, Pampanga kahapon, Wedensday morning, April 6, na “Just The 3 of Us” mula sa Star Cinema na nasa direksyon ng Cathy Garcia-Molina.

‘Yong unang pagsasalita ng aktor sa status ng relasyon nila ni Angelica Panganiban na hiwalay na sila ay sa isang corporate event, kung saan siya ang celebrity endorser.

Inulit ni Lloydie sa mga dumalaw na press people na hiwalay na nga sila ni Angelica, pero hindi niya sinabi ang mga detalye. Short confirmation lang. Gusto niya na may natira pa ring respeto sila sa isa’t isa. Paniwala ni Lloydie na masyado nang personal kung idedetalye pa niya ang rason ng split-up. “But we remained friends,” sabi niya.

Inamin niya na nagkita sila ni Angelica sa Hong Kong noong Holy Week tulad sa ulat ng ibang mga reporters at kumalat din ang incident sa social media. “Magkaibigan kami. We’re friends. Nagkita rin kami nina Kuya Aga (Muhlach), Ate Charlene (Gonzales), kami rin nina Ruffa, nandun din siya sa Hong Kong. Ang daming mga taga-showbiz ang nandodoon,” kuwento ng aktor who plays a pilot sa bago niyang pelikula.

Sa ngayon, happy siya sa pagiging single at walang makapagsasabi kung kailan muli titibok ang puso niya.

Tulad ng kapartner niya sa pelikula na si Jennylyn na gumaganap as a ground steward, pareho din sila ng estado.

Wala mang kumpirmasyon si Jen sa estado nila ni Dennis Trillo (what you see is what you get, ‘ika nga); si Lloydie ganun din marahil at ayaw nang mag-eleborate.

Yes, hiwalay na sila ng girlfriend niya na si Angelica at ngayon single na single siya at ini-enjoy ang buhay binata muli.

Reyted K
By RK VillaCorta