John Lloyd Cruz & Jessy Mendiola: The Love Verdict

ADVERTISING

Jessy-Mendiola-John-Lloyd-CruzJOHN LLOYD CRUZ
Real Name: John Lloyd Espidol Cruz
Birthdate: June 24, 1983
Zodiac Sign: Cancer

JESSY MENDIOLA
Real Name: Jessica Mendiola Tawile
Birthdate: December 3, 1992
Zodiac Sign: Sagittarius

ADVERTISING

INAABANGAN NA ng movie addicts ang “The Trial” ng Star Cinema. Matagal-tagal din tayong hindi nakanood ng heavy drama fillm mula sa leading film outfit ng bansa. Sino pa nga ba ang pinaka-deserving mabigyan ng challenging role among his contemporaries kundi si John Lloyd Cruz lang? At suwerte naman ni Jessy Mendiola na masabit sa ganitong proyekto, huh!

Alam natin lahat na inlababo masyado si Lloydie kay Angelica Panganiban at si Jessy Mendiola ay nali-link kung kani-kanino. If ever kaya ay may chance din ang dalawa? Hahatulan na!

Magkasalungat sa maraming bagay ang Sagittarius at Cancer. Ang Archer ay hindi kasing family-oriented ng Crab. Ito ang madalas na pinagdidiskusyunan ng dalawang partido. Pinahahalagahan ng isang Sagittarius ang kanyang kalayaang gumalaw at gawin ang mga bagay na gustung-gusto niya, samantalang ang Cancer naman ay mas nanaising pumirmi sa bahay at siguraduhing stable ang kanyang katayuan sa buhay. Kung tutuusin, hindi biro ang pagsasamang ito, huh? Isa pang factor ay ang pagiging mas emotional ng Cancer kaysa sa Sagittarius. Maaari itong pag-ugatan ng lamat sa kanilang relasyon.

ADVERTISING

Pero wait, huwag kayong malungkot, ok? Hindi ibig sabihin n’yan ay wala nang pag-asang magsama pa ang dalawa. Kung minsan nga, ang pagkakaiba rin ng dalawang tao ang nagiging rason kung bakit sila tumatagal. Ito ang maaaring mag-complement sa kanila. Mag-exert lang sila ng bonggang effort sa pag-intindi at matutunan lang nilang i-appreciate ang efforts ng kapareha ay malaking bagay na. Ang pagiging independent ng Sagittarius ay maaaring mag-train sa dependent Cancer na matuto ring gumalaw kahit wala siya.

Madalas na ang pagsasama ng Cancer at Sagittarius ay hindi smooth-sailing. Sa una’y malakas ang kanilang physical attraction at nadadala pa nga ito sa kama. Ang mga sumusunod na buwan ang dapat nilang tutukan. Dito na lalabas ang kanilang pagkakaiba. Ang tanong: Handa ba nilang tanggapin ang imperfections ng isa’t isa? Kung oo ang sagot, ibig sabihin ay handa nilang ipaglaban ang kanilang pagmamahalan!

Ang Hatol? PWEDE!!!

Pares-Pares

By Madam DaminJohn Lloyd Cruz & Jessy Mendiola: The Love Verdict

ADVERTISING