John Lloyd Cruz, idine-date si Maja Salvador?

ADVERTISING

John Lloyd Cruz, idine-date si Maja Salvador?

Maja Salvador & John Lloyd Cruz
Maja Salvador & John Lloyd Cruz

Sina Maja Salvador at John Lloyd Cruz na ba ngayon?

Sa isang social media posting, magkasama ang dalawa na nag-beach outing sa Pearl Farm sa Samal Island sa Davao last weekend, kung saan kabilang sila sa mga Kapamiya Stars na nagbigay entertainment sa yearly Kadawayan Festival.

Nagsimula ang haka-haka na may namumuong “relasyon” sa dalawa nang may post si Majs ng kanilang picture ni Lloydie na nanood sila ng pelikula nina Bea Alonzo at Gerald Anderson na “How to Be Yours”.

‘Di nga ba’t si Gerald, ex-boyfriend ng aktres at si Lloydie naman kahit walang admittance na minsan ay naging magkarelasyon sila ng screen partner niya si Bea, iisipin mo na ang ex-boyfriend o ex-girlfriend ng dalawa ang magkakatuluyan.

ADVERTISING

Alam ninyo naman sa showbiz, konting kiit lang ng mga artista, may photo posting na kaagad, reason para pagdudahan ang “wala” naman (just like the usual denial) talagang pasabog or isyu.

Nagtataka lang ako kung bakit nagde-deny sila, gayong unattached naman sila at wala namang kumu-kontra sa kanila, if ever na sila nga ang maging magkarelasyon.

Ang mga bagets loveteam na sina KathNiel at LizQuen, kalian kaya talaga aamin?

Kaya talbog sila nina JaDine sa pagiging true to themselves at proud sa relasyon nila.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING