John Lloyd Cruz, hot na hot – Boy Abunda

 John Lloyd Cruz, hot na hot – Boy Abunda

 John Lloyd Cruz, hot na hot – Boy AbundaOh boy, John Lloyd Cruz is everywhere! Mapa-TV shows, movies, print ads, television commercials and billboards ay mukha niya ang nakikita. Isang beses nakatanggap ako ng napakasarap na tinapang bangus – sa diyaryong pambalot – naroon pa rin si John Lloyd. Hindi ko tuloy alam kung sino ang sumusunod kanino.

Everyone seems to have fallen under his spell. Pantasya si Lloydy ng marami – bata o matanda, may boyfriend o wala, dalaga o may-asawa, babae o bakla. Sinubaybayan natin siya bilang Junie de Dios sa Gimik at patuloy pa rin natin siyang minamanmanan sa New York bilang Noel sa In My Life.

John Lloyd faces issues fair and square. He knows when to say “go” but he also knows when to slow down. He speaks what is on his mind but he also knows when to remain silent. And he is intensely charming when doing both.

Kagaya sa kanyang bagong pelikulang In My Life, he accepted the role as Luis Manzano’s lover. He considers this role as the most challenging he has done as an actor. “Lahat ng story is about love pero itong movie na ito bukod sa pagiging tungkol sa pag-ibig, I think it’s a story about acceptance. Sa tingin ko that would best describe this movie. It is about acceptance.” I agree. Parati kong sinasabi that homosexual love is equal to all kinds of human love.

Maugong din ngayon ang bulung-bulungan sa apat na sulok ng showbiz na muling nagkakamabutihan sina Lloydy at Liz Uy. Lloydy didn’t beat around the bush when he disclosed that they have already seen each other thrice. He wants to claim back their friendship. Hindi raw nawawala ang kanilang komunikasyon sa isa’t isa. Though saying goodbye can be the end of a romance, it can also mean the start of a new friendship.

Whatever, Lloydy is hot!

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda