John Lloyd Cruz, hawak sa leeg ni Shaina Magdayao?!

ADVERTISING

John Lloyd Cruz, hawak sa leeg ni Shaina Magdayao?!John Lloyd Cruz, hawak sa leeg ni Shaina Magdayao?!KAHIT SA INTERNET, kanya-kanya ng opinyon tungkol sa inasal at ginawang pagbabanta ni Willie Revillame sa management ng ABS-CBN na kung hindi sisibakin sa Kapamilya Network si Jobert Sucaldito ay siya ang magre-resign bilang host ng Wowowee. Meron pa nga kaming nakitang survey result kung saan ang nagsasabing nasa lugar siya ay 8.76 % lang kumpara sa 91.24 % na ang tingin naman ay talagang OA siya.

‘Yon na nga! Ang bansag nga ng iba kay Willie ngayon – spoiled brat Kapamilya. Na pakiramdam niya, dahil sa show niyang Wowowee na aniya rin nga ay malaki ang iniaakyat na pera sa ABS-CBN, kailangang tatratuhin na siyang hari sa bakuran ng Dos. Na anything he wish for should be granted right away dahil kung hindi, magre-resign siya.

Ilang beses na rin ngang tila batang nag-aalburoto itong si Willie on national television kapag nagagalit o sumasama ang loob? At lately nga, umabot pa sa puntong pinamimili na niya ang management ng ABS-CBN kung siya o ang pinagdidiskitahan niyang awayin na si Jobert nang dahil lang sa opinyon ng huli questioning kung bakit between 75 to 79 % ang average ng mge estudyanteng kinuha bilang mga contestants ng Wowowee kamakailan.

Gulat na gulat nga itong si Jobert sa gano’ng naging reaksiyon ni Willie na balitang pati sa mga out of town campaign rallies ng sinusuportahang kandidato ni Willie ay talagang tinitira pa rin umano ito ng TV host.

Sabi nga ng movie columnist na segment host ng The Buzz at may radio program din sa DZMM, sobrang pikon daw ang TV host. Bilang showbiz reporter, karapatan daw lang naman ni Jobert na magsabi ng kanyang personal na opinyon na minasama nga nitong si Willie.

ADVERTISING

Nakausap na ng management ng ABS-CBN pareho itong sina Willie at Jobert. Nais ng network na maayos kaagad at maresolba ang issue sa pagitan ng dalawa para hindi na sila magsagutan at lumala pa ang usapin.

Pero tila hindi sapat ang hakbang na iyon ng pamunuan ng Channel 2. Nitong Miyerkules hanggang kahapon, wala sa Wowowee si Willie. Usap-usapang paninindigan daw talaga ng TV host ang sinabing magre-resign siya sa show kapag hindi nga tinanggal sa ABS si Jobert Sucaldito. Patunay raw ‘yong hindi na niya pagsipot sa programa sa dalawang magkasunod na araw na.

Ang isa sa co-host nga ng show na si Pokwang nang matanong tungkol dito, umiiwas tukuyin kung ano nga ba ang rason.

“Basta may mga inaayos lang po siyang mga ano… anyway, iyon na ‘yon. Thank you,” maikling pahayag na lang ng TV-host-comedienne sa mga nag-uusisa sa kanya.

With or without Willie, eere pa rin naman ang Wowowee. At siguro naman, mananatiling nakatutok pa rin sa programa ang mga tagasubaybay nito kahit sino pang guest host ang maging kapalit muna niya.

Kung magre-resign nang tuluyan itong si Willie, tingin namin, it’s not ABS-CBN’s loss kundi kawalan niya. Puwedeng masabing nakatulong siya sa success ng Wowowee pero hindi siya lang ang gumawa sa ikatatagumpay ng show.

Nalalaos na nga siya mula nang masuspinde noon sa Magandang Tanghali Bayan bago tuluyang namaalam sa ere ang show. At ang Wowowee ang nakatulong para makabalik siya at ito rin ang nagpasikat at nagpayaman nang husto sa kanya ngayon.

Kunsabagay, mawalan man ng trabaho si Willie ngayon, hindi na siya maghihirap. Malaking pera rin ang iniakyat ng Wowowee sa kanya. Kaya huwag naman niyang isusumbat na ABS-CBN lang ang malaki ang kinita sa nasabing programa.

Naman!

HAWAK NA NGA ba ni Shaina Magdayao sa leeg si John Lloyd Cruz? Kasi’y may kuwento kaming nasagap na hindi naman pala family affair ang talagang dahilan ng ‘di pagsipot ng aktor sa nakaraang PMPC Star Awards For Movies kundi si Shaina nga raw.

Sabi ng isang reporter sa amin na talaga namang nakatikwas ang kilay sa dahilan ng binata na may dinaluhan siyang family affair, si Shaina raw ang dahilan. May friend daw kasi ang reporter na nakausap namin, na nakakita diumano kina John Lloyd at Shaina na magkasama out of town.

Mukhang sinadya raw ni Shaina na yayaing mag-out of town itong si John Lloyd para hindi makadalo ng Star Awards.  Iniiwas lang daw nga siguro ng dalaga ang aktor dahil co-host nina Boy Abunda at Lorna Tolentino sa nasabing awards night ang na-link din dati kay Lloydie na si Ruffa Gutierrez.

‘Yon na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING