John Lloyd Cruz, “guwapong nakabubuntis” ang dating sa bagong pelikula

John Lloyd Cruz, “guwapong nakabubuntis” ang dating sa bagong pelikula

John Lloyd Cruz (Look na nakakabuntis)
John Lloyd Cruz
(Look na nakakabuntis)

Guwaping na guwaping si John Lloyd Cruz sa mga photos na naglalabasan na kuha sa ilang mga eksena sa pelikulang “Just the 3 of Us” ni Direk Cathy Garcia-Molina.

Fresh na fresh. Parang ang bango-bango at hitsurang sa tag-araw na sobrang init dahil sa El Niño ay amoy bagong ligo pa rin ang aktor.

Ang biruan nga ng marami ngayon, “guwapong nakabubuntis” o ‘di kaya’y “guwapong nakalalaglag-panty” (parang peg ng karakter ni Jennylyn sa pelikula).

Para siya bagong ligo na for sure, ‘pag pinalabas na ang pelikula nila ni Jen come April 27, habang nasa loob ka ng sinehan ay madi-distract ka sa mga panakaw na pagkuha ng picture ng mga fans ng aktor.

Guwapo ni Lloydie. Guwapong ika-cuddle mo. Hindi man machong-macho na ma-muscle at tipong hunk na may-abs ay may kakaibang sex appeal ang aktor.

Ngayon pa na very much single si Lloydie, I’m sure ang mga girls na super like ang aktor ay abot-tenga ang mga ngiti at gustong makilala si JLC ay may malaking chance na Baka Sakali, Hoping, Kahit Minsan Lang, etc. ay magkaroon sila ng encounter with John Lloyd.

Pero with Lloydie’s fresh look sa pelikula, malamang sa hindi, kung ‘di man magkaroon ng personal encounter sa kanya, at least sa wide screen, p’wede na sigurong pagpantasyahan ang kayakap-yakap na kaguwapuhan ng isang John Lloyd Cruz. Bet?

Reyted K
By RK VillaCorta