John Lloyd Cruz, durog na durog sa pasabog ni Ruffa Gutierrez!

ADVERTISING

John  Lloyd Cruz, durog na durog sa pasabog ni Ruffa Gutierrez!

John  Lloyd Cruz, durog na durog sa pasabog ni Ruffa Gutierrez!NAGPAPARAMDAM NA NAMAN ngayon si Piolo Pascual na okey naman daw sila ni KC Concepcion, dahil nga parati silang magkasama sa mga shows nila sa ibang bansa. Kasi nga, may mga concert tour sila sa U.S. Grabe rin naman kasi ang dalawang ito, dahil ang gulu-gulo ng kanilang relasyon. Umalis sa Pilipinas ang anak ni Sharon Cuneta kamakailan na ang kadramahan ay mayroon daw silang pinagdaraanan sa relasyon nila ni Piolo.

Hayun naman, sa kani-lang pagsasama sa show ay namataan sila na para namang walang problema, na parang sinusuyo pa ni Piolo si KC, habang ang dalaga naman ay kinikilig pa. Ano ba ‘yon? Paulit-ulit na lang silang ganyan. Kung ganyang muli ay may panunuyo ngang ginagawa ang aktor sa anak ng Megastar, asahan na siyempre na sa pagbabalik ni KC sa Pilipinas para sumalang sa The Buzz, magkukuwento na naman siya, gaya ng kadramahan ni Kris Aquino noon sa nasabing talk show.

Nakakaumay na ang kadramahan nina KC at Piolo. Sa tuwing may gusot silang dalawa ay hayun si KC na gulung-gulo ang mundo, habang si Piolo naman ay wala lang, kaya hitsurang naiwan sa ere si KC. Kung sa bagay, noon pa naman napipintasan si Papa P. na hindi umano siya marunong mag-alaga ng babae sa kanyang tabi. Kahit daw ‘yung ka-loveteam sa panahon nila ni Judy Ann Santos ay laging kulang ang guwapong aktor sa pangangalaga.

 

ADVERTISING

NADUDUROG NANG TALAGA si John Lloyd Cruz dahil sa kung anu-anong isyung kabuntot ng kontrobersiya nila nina Shaina Magdayao at Ruffa Gutierrez. Kasi nga, siya ngayon ang napipintasan. Bukod sa napagbibintangan siya ngayong two-timer dahil may pagkakataon daw na pinagsabay niyang maging karelasyon ang dalawang aktres, marami ang nate-turn off dahil sa mga naglabasang pagpapatunay tungkol sa kanyang pagkagumon sa alak.

Malinis magdala si John Lloyd ng kanyang bisyo. Hindi siya mahuhuli ng kamera, at kapag naman tinatanong siya tungkol sa kanyang hilig sa pag-inom ng alak, dadaanin ka lang niya sa bungisngis at paglalambing na huwag na lang tungkol doon ang itanong. Kaya lang, kahit pagtakpan ang tungkol doon ay marami na rin ang nakakaalam at nababahala na dapat na rin niyang iwasan ang nasabing bisyo, dahil parang hindi niya kayang dalhin ang kanyang sarili kapag lasing na lasing na siya.

May pagkakaiba pa naman si John Lloyd sa kanyang kaibigang si Baron Geisler kung iniintrigang si Lloydie ay dapat na raw magpa-rehab. Si Baron kasi dati ay nagiging bastos at nanghihipo sa mga ma-seselang parte ng katawan ng mga babae nu’ng hindi pa siya nagpapa-rehab. Si JLC naman ay para lang nawawala sa sarili kapag lasing na lasing na siya.  Hindi mo na raw siya pakikinabangan na makausap, dahil sumusuray na siya na parang gulay. ‘Yung tipo ng kalasingan na hindi mo iniisip na makita sa isang idolo at sikat na artista.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING