John Lloyd Cruz, dedma lang hiwalayan nila ni Shaina Magdayao?!

MAGALING NA actor si John Lloyd Cruz, kaya marahil ay nakakaya rin niyang itago sa mata ng publiko na nakakakita sa kanya na parang hindi siya malungkot tungkol sa naganap na hiwalayan sa kanilang dalawa ni Shaina Magdayao. Sobra kasing masayahin at palangiti si Lloydie kapag nasa harap na siya ng maraming tao, kaya iniintriga siya na parang bale-wala lang sa kanya ang malungkot na sinapit ng relasyon nila ni Shaina.

Malalim ding magmahal si John Lloyd, dahil nagtagal din naman sila ni Shaina. Ang malungkot lang na nangyari sa kanilang sitwasyon ay nasimulan ng mga intriga ang kanilang love affair, at nagtapos din iyon na punung-puno ng intriga.

Pero kahit na humantong na sina Shaina at Lloydie sa hiwalayan, sobra pa rin ang respeto nila sa isa’t isa, kaya hindi sila naglalabasan ng kanilang mga sama ng loob sa isa’t isa kung mayroon man silang dapat na ilabas, para mapintasan sila na nagsisiraan. Isang dahilan din ay maraming taong nagmamahal sa kanila na ayaw nilang masaktan.

Simple lang si John Lloyd, pero hindi naman nababakante ang kanyang lovelife. Bago si Shaina ay naging karelasyon niya sina Kaye Abad, Ciara Sotto, Liz Uy at Ruffa Gutierrez. Meron din daw ibang babaeng sumingit sa lovelife ni Lloydie. Pero isang dating malapit kay Lloydie ang nagtataka kung bakit parang sa hiwalayan lagi napupunta ang pakiki-pagrelasyon ng actor. Baka raw mayroon pa talagang hinahanap si JLC na mas tamang babae na hindi na niya pakakawalan hanggang kasal.

MABAIT AT mapakisamang tao si Patrick Garcia sa showbiz, kaya walang puwedeng magsabing basagulero siya. Sa tuwing mayroong mga lalaking mapapaugnay ngayon kay Jennylyn Mercado, hindi maiiwasang langing ikonsidera kung ano ba ang magiging reaksiyon ng guwapong actor kapag sila ay nagkaroon ng kaugnayan kay Jen. Pero lagi na, si Patrick ‘yung hindi nagsasalita ng anumang negatibo sa mga lalaking gustong mapalapit kay Mercado.

Noong panahong si Dennis Trillo ang karelasyon ni Jennylyn, tikom din ang bibig ni Patrick kapag pinagkukumpara silang dalawa ni Dennis. Para sa guwapong actor, na kay Jen ang desisyon, dahil mayroon lang silang naging anak, si Alex Jazz.  Pero klaro sa kanya, na dahil hindi naman sila nauwi sa kasal, kaya hindi niya pag-aari ang puso ni Jennylyn para tutulan ang sino mang lalaki na gustong ligawan ang ina ng kanyang anak.

“‘Yung sa amin na lang ni Jen siyempre ay tungkol kay Alex Jazz. Iyon ang napa-kaimportante sa ngayon. Kaya kung sino ‘yung lalaki na nagpapasaya ngayon sa mundo ni Jen, happy ako para sa kanya. Kasi, ina siya ng anak ko. Kay Luis Manzano, walang problema. Nababalitaan naman natin na masaya silang dalawa, kaya okey ‘yon,” wika ni Patrick.

ChorBA!
by Melchor Bautista

Previous articleDahil sa laki ng talent fee na hinihingi Charice, ‘di na isasama sa pinakamalaking OPM concert!
Next articleJudy Ann Santos, ayaw nang may ka-loveteam sa bagong serye

No posts to display