John Lloyd Cruz, bumilib sa performance ng pianistang si Cecile Licad

ADVERTISING

John Lloyd Cruz, bumilib sa performance ng pianistang si Cecile Licad

John Lloyd Cruz, bumilib sa performance ng pianistang si Cecile LicadLevel up na talaga si John Lloyd Cruz. Hindi lang siya isang magaling na aktor, isa rin siyang artist by heart and soul.

ADVERTISING

Kung sa simula ay namulat siya sa Filipino art, this time, ang mundo ng classical music naman ang mundo na naa-appreciate ni Lloydie.

Sa recent concert ni Cecile Licad with the Philippine Philharmonic Orchestra under conductor Olivier Ochanine last Thursday, January 28 na naganap sa Cultural Center of the Philippines, nandun si Lloydie at nanood kasama ang may-ari ng Swatch na si Virgie Ramos.

Dahil hanga sa performance ng pianista, binati ni Lloydie si Cecile pagkatapos ng show.

ADVERTISING

Sabi ng pianist kay Lloydie: “I know you. I watch your TV show,” na ayon sa film and music critic na si Pablo Tariman, kita niya kung paano natuwa ang aktor sa bati sa kanya ng batikang pianista.

Sa first encounter nina Lloydie at Cecile Licad, binigyan ng pianista ang aktor ng kanyang libro.

Deskripsyon nga ni Pablo sa kaganapan: “A night to remember.”

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING