John Lloyd Cruz, bumigay na kay Boy Abunda!

Iba talaga ang tiwalang ibinibigay ng mga artista kay Kuya Boy Abunda. Tanging ang batikan at respetadong TV host lamang ang may kakayahang pagsalitain o paaminin ang mga artista sa mga isyung sensitibo. Hindi na rin marahil kataka-taka ito dahil tunay namang ‘kuya’ at ‘kaibigan’ si Kuya Boy sa halos lahat ng mga taong nasa loob o labas man ng showbiz.

Nu’ng Linggo, sa taped interview ng The Buzz, muli na namang pinatunayan ni Kuya Boy ang ‘magic’ niya nang linawin lahat ni John Lloyd Cruz ang mga tsismis, intriga at isyung nakapalibot sa kanya. Ilang showbiz media na rin ang nangahas na alamin ito sa mahusay na aktor, pero tuwina, iniiwasan niya ito.

Isa-isang sinagot ni John Lloyd ang lahat ng kontrobersiya sa kanya lately. Una na ang umano’y pagpapaasa niya kay Sarah Geronimo. Ayon kay John Lloyd, hindi basta-bastang sasabihin mo sa isang babae na maghintay siya ng ilang taon dahil maraming maaaring mangyari sa pagdaan ng mga araw.

Tahasan na ring inamin ng aktor na nagkaroon sila ng special relationship ni Ruffa Gutierrez. Pero pinabulaanan naman ni John Lloyd ang kamakailan ay kumalat na balitang nagkasama sila ng TV host-actress na nagba-bike.

At ang pinakaaabangan ng lahat, ang pag-amin ni John Lloyd sa relasyon nila ni Shaina Magdayao. “Yes, it’s us,” ani pa ng aktor. Ginawa na raw niya ang pagsasalitang ‘yon upang matigil na ang patuloy na pagkakadamay ng mga taong malalapit sa kanila ni Shaina. Mas masakit daw para sa mga ito ang mga naririnig nila, kaya’t para matapos na ang lahat, kailangan niyang magsalita.

Inamin din ni John Lloyd na sumama ang loob ni John Prats sa kanya, ex-boyfriend ni Shaina, pero nagkausap na raw sila ng ‘man-to-man’ sa telepono at maayos na ang lahat sa kanila. Pero hindi raw totoo na inagaw niya si Shaina kay John. Wala na raw ang dalawa nang pumasok siya sa buhay ng batang aktres.

Hindi man diretsong sinabi ni John Lloyd na nagkaroon ng misunderstanding sina Shaina at Ruffa, ikinuwento naman niya na siya mismo ang gumawa ng paraan para magkausap ang dalawa. Wala rin daw katotohanan na pinagsabay niya sina Shaina at Ruffa.

Marami ang humanga sa lahat ng mga naging pahayag ni John Lloyd – sinsero at very gentlemanly.

MASAYA SI RICO Robles na maging bahagi siya ngayon ng Party Pilipinas. “Sabi nila, nasa direktor daw para maging maganda ang show, pero hindi, e. We’re all working hard para mapaganda ang show. The rating is really going up. But of course, hindi naman doon lang ang concentration namin. Ang gusto talaga namin ay makapagbigay ng total entertainment sa televiewers,” sabi pa ng ex-Pinoy Big Brother Celebrity Edition housemate.

Aside sa Party Pilipinas, regular discjock din si Rico sa FM station na RX 93.9. At kapag libre siya sa kanyang showbiz commitments, nasa gym naman siya practicing boxing. “Amateur pa rin naman ako,” sabi ni Rico. “I have to stop for a while dahil nagkasag-basag itong ilong ko.”

Hindi ba mahirap ‘yung ginagawa niya lalo na sa showbiz na mukha ang puhunan nila?

“May protective gear naman kami, pero hindi pa rin talaga maiiwasan,” sagot niya.

Loveless daw si Rico ngayon. “Wala, e,” aniya.

Kumusta na sila ni Roxanne Barcelo?

“Wow, parang ang tagal na nu’n, huh! I can’t remember na the last time we talked. Anyway, may TV show siya ngayon sa GMA-7, ‘di ba? ‘Yung may hotdog.”

Anong message niya sa ex-girlfriend?

“Dahan-dahan sa pagkain ng hotdog. Naka-cancer daw ‘yon ‘pag nasobrahan ka,” tugon ni Rico.

Bore Me
by Erik Borromeo

Previous articleEly Buendia, bad trip kay Pia Magalona?!
Next articleJUETENG NI LUDING, UNTOUCHABLE SA BAGUIO AT QUEZON

No posts to display