John Lloyd Cruz, binabalikan si Liz Uy – Ambet Nabus

ADVERTISING

John Lloyd Cruz, binabalikan si Liz Uy – Ambet Nabus

John Lloyd Cruz, binabalikan si Liz Uy – Ambet NabusMagaling sumagot sa mga tanong si John Lloyd Cruz.

Napatunayan niya itong muli ng humarap siya sa media during the In My Life presscon. Magiliw at kalog pero kapag seryoso, seryosong sumasagot ang magaling na aktor.

Hindi rin siya naglihim tungkol sa mga pagkikitang nagaganap sa kanila ngayon ng dating GF niyang si Liz Uy.

Nang itanong nga namin sa kanya ang report na nakarating sa amin hinggil sa madalas nilang pagkikita (read: kain sa resto, pasyal at usap) ni Liz diyan sa Rockwell Makati, ay kinumpirma naman ito ni Lloydie.

ADVERTISING

Tsika nito, “Madalas nga. Nag-uusap kami uli at maganda naman ang kinalalabasan. Masaya kami at hayaan muna nating ganu’n. Wala pang balikang nangyayari dahil ngayon lang uli namin na-eenjoy ang pagiging friends namin.”

Mahusay si Lloydie sa In My Life at kahit ang isang Vilma Santos ay umaming isa siya sa mga pangunahing dahilan kung bakit nagbabalik pelikula siya.

In fairness, revelation ang akting ni Luis sa movie at napakaganda talaga ng rapport at chemistry nila ni John Lloyd as gay lovers.

Very confident ding sinabi ni Ate Vi na kahit kailan ay hindi niya naisip na magiging bading ang anak dahil higit kaninuman ay siya ang nakakakilala rito.

Sa tanong nga ng isang katoto na kung minsan sa buhay nila ay nagkaroon sila ng matatawag na beautiful insanity (read: atraksyon sa kapwa babae o lalaki) ay buong tapat ding inamin ni Ate Vi na pinagdaanan niya ito nu’ng siya’y nasa high school gaya ng ibang normal na kabataan, pero hindi relasyong sekswal.

Sa Sept. 16 na ipalalabas ang In My Life at inaasahan nating isa ito sa magiging most important films this year at isa na naman sa maihahanay na the best for Ate Vi and the rest of cast.

Whether they like it or not, magkakaroon at mayroong intrigang magaganap sa AS 1, ang dream concert for Martin Nievera at Gary Valenciano.

Sa inilabas kasing album ng Universal Records of the same title ay mayroong tig-apat na mga sikat na kanta ang bawat isa na this time ay binigyan ng bagong interpretasyon ng isa’t-isa. Ang mga pamosong kanta noon ni Gary ay inawit ni Martin and vice-versa. At ito ngayon ang pinag-uusapan dahil ayon sa mga nakapakinig na, tila kinabog ni Gary si Martin.

Pero pinagtawanan lang ito ng dalawa nang sila’y aming makaharap dahil kung ganu’n daw ang opinyon ng marami, eh, ano pa nga ba ang magagawa nila?

Para kasi sa iba, mas lamang si Gary pagdating sa mga hit records at siya pa rin ang mas maraming movies at hit concerts. HIndi naman pumapayag ang mga maka-Martin na gaya ko, dahil bukod sa boses, lamang naman si Martin pagdating sa hosting at pagiging kontrobersyal.

Kaya nga dagdag excitement kung sa darating nilang face-off this September 19 sa Mall of Asia ay magpatalbugan sila sa kung sino ba talaga ang sino?

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

ADVERTISING