John Lloyd Cruz – Bea Alonzo movie, nagtala ng bagong box-office record

ADVERTISING

John Lloyd Cruz - Bea Alonzo movie, nagtala ng bagong box-office record

Bea-Alonzo-John-Lloyd-CruzBREAKING BOX-OFFICE records ang A Second Chance movie nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na sequel ng One More Chance na ipinalabas eight years ago from Star Cinema at idinirek ni Cathy Garcia-Molina.

Umabot ng P43.3 million ang opening gross ng A Second Chance nu’ng magbukas ito sa mga sinehan last Wednesday (Nov. 25). Bandang 5 ng hapon, naka-P18M na ang pelikula pero dahil night crowd ang movie, lumobo ang kita nito ng P43.3 million.

Karamihan sa mga nanood ng A Second Chance ay galing pa sa mga opisina o nagtatrabaho sa araw. And take note, kahit gabi na, super haba pa rin ng pila, huh!

Sa isang post na nakita naming sa Facebook, almost 1 a.m. na pero may screening pa rin ang A Second Chance. ‘Yung iba nga nag-request na i-extend pa nang medyo gabi pa para raw makapanood naman sila pagkatapos nilang magtrabaho.

ADVERTISING

Ang ibang mall, nag-extend na rin ng screening hour. Pinagbigyan talaga nila ang request ng mga tao. Bongga!

Ang A Second Chance din ang may hawak ngayon ng record na may pinakamataas na opening gross in a non-MMFF movie. Wow na wow!

Congrats to Popoy and Basha at sa mga taga-Star Cinema.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING