John Lloyd Cruz, bading sa pelikulang “Ang Babaeng Humayo”

ADVERTISING

John Lloyd Cruz, bading sa pelikulang “Ang Babaeng Humayo”

John Lloyd Cruz At Venice International Film Festival
John Lloyd Cruz At Venice International Film Festival
: John Lloyd Cruz & Charo Santos-Concio
John Lloyd Cruz & Charo Santos-Concio

Sino’ng mag-aakala na gagawin ‘yun ni John Lloyd Cruz para sa isang pelikula?

Yes, isang cross-dresser ang role ni Lloydie sa pelikulang “Ang Babaeng Humayo” na after more than two decades, kung tama ang bilang ko, ay bumalik sa pag-arte si Ms. Charo Santos-Concio sa pelikulang dinirek ni Lav Diaz na nagwagi ng Golden Lion for Best Film sa Venice International Film Festival recently.

Walang kaabug-abog, biglang lumabas ang photo ni Lloydie with Charo sa social media na nakabihis babe ang actor, habang sa Facebook at Instagram, naka-post din ang mga kaganapan sa red carpet at sa gala premiere ng pelikula noong Sabado.

Knowing JLC, oks lang sa kanya ang kung ano mang role na i-offer sa kanya as long na alam niya na makakatulong sa craft niya bilang aktor.

ADVERTISING

Secured naman kasi si Lloydie sa pagkalalaki niya. Hindi isyu kung bakla man ang role na ginagampanan niya.

Four hours halos ang running time ng pelikula nila ni Charo, in black and white, na “Ang Babaeg Humayo”.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING