John Lloyd Cruz babalik na sa pag-arte; ima-manage ni Maja Salvador

Leo Bukas

THE LONG WAIT is over para sa mga supporters and fans ng Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz na matagal na ring inaabangan ang kanyang pagbabalik sa pelikula.

After almost four years of hiatus in the showbiz industry ay pumirma si John Lloyd ng kontrata sa Crown Artist Management Inc. Sa short video clip na ipinost ng talent agency na itinayo ni Maja Salvador  sa kanilang social media account ay makikitang bumaba ang aktor mula sa isang private jet saka sumakay ng kanyang bonggang yellow car.

John Lloyd Cruz babalik na sa pag-arte; ima-manage ni Maja Salvador
John Lloyd Cruz

“We are happy to share with you the CAMback of the one and only John Lloyd Cruz, now under Crown Artist Management (CAM). As long time friends in and out of the industry, Maja and JLC will now be helping each other in this stage of their careers.

“CAM will now be in charge of all his inquiries after his long hiatus. We are sure that a lot of his fans are anticipating this, so the time has already come. THE JOHN LLOYD CRUZ is back!” caption sa IG ng CAM.

Wala namang ibinigay na detalye ang bagong management team ni Lloydie kung anong project ang mauuna niyang gawin – kung teleserye ba ito o isang pelikula.

Sa ilang photos sa social media ay kitang-kita rin kung gaano kasaya si John Lloyd sa kanyang pagbabalik sa limelight. Ganito rin ka-excited ang supporters at fans ng aktor na halatang naka-miss sa kanya, sa mga binitiwan nilang komento sa IG.

Sa aming pagkakaalam, wala pang ginawang pelikula si John Lloyd sa Star Cinema kung saan madalas niyang nakasama ang ka-love team na si Bea Alonzo. Ipinareha rin siya noon kay Sarah Geronimo at naging blockbuster din ang kanilang mga pelikula.

Taong 2017 nang magdesisyon si John Lloyd na iwanan ang showbiz indefinitely pagkatapos niyang makipagrelasyon kay Ellen Adarna kung saan nagkaroon siya ng isang anak.