John Lloyd Cruz, ayaw nang isapubliko ang lovelife nila ni Shaina Magdayao!

ADVERTISING

John Lloyd Cruz, ayaw nang isapubliko ang lovelife nila ni Shaina Magdayao!

John Lloyd Cruz, ayaw nang isapubliko ang lovelife nila ni Shaina Magdayao!PARA KAY John Lloyd Cruz, 2011 is the extreme roller coaster ride, kung saan ‘di nga naman biro-biro ang pinagdaanan ng aktor kung ang pagbabasehan ay ang dami ng mga intriga at pagsubok. Isa  sa pinag-usapan nu’ng nakaraang taon ang awayang Shaina Magdayao-Ruffa Gutierrez.

Ang break-up nila ng girlfriend, para sa aktor sa kabila naman ng lahat ay maikukunsidera pa rin niyang magandang taon ang 2011, dahil marami siyang natutuhan sa mga nangyari. Positibo para sa kanya ang 2012, kung saan ang kanyang kalusugan ang isa sa gustong pagtuunan ng pansin ni John Lloyd at anim na buwan mula ngayon ay magtu-twenty na siya.

Busy sa pelikulang Unofficially Yours ng Star Cinema, kung saan bali-balita na magiging Valentine’s offering daw ito ng nasabing movie outfit, nakarating kay John Lloyd na ito ang target na playdate, pero ‘di pa ito nakukumpirma sa kanya. Sa tanong namin kung gaano katotoo na ibang-ibang John Lloyd at Angel daw ang mapapanood sa Unofficially Yours, ayon sa aktor ay ang manonood ang makapagsasabi nito pero unconventinal approach ang ginawa niya sa pelikula na hindi lahat ng aktor ay susubok na gawin.

Balita rin na isang teleserye na pagtatambalan nilang muli ni Bea Alonzo ang nakalinyang gawin ni John Lloyd. Kinumpirma naman sa amin na totoong may plano sa kanilang teleserye ni Bea, wala namang kuwestiyon dito. Pero ang tanong ay kung mapu-push through ba ito lalo’t may problema pala ito sa casting. Excited na makatrabaho muli ang dating kapareha dahil huli silang nagkasama pa sa pelikulang Miss You Like Crazy ilang taon na ang nakalilipas, ang isa pang nakaka-excite kay John Lloyd ay ang challenge na makasama sa mga teleserye ngayon ng Kapamilya Network na sa ganda at pulido ng pagkakagawa ay makikita mo na ang kumpetisyon ay hindi lang sa labas ng network kundi mismo sa loob na ang resulta naman ay mga kaabang-abang talaga na mga shows.

ADVERTISING

Kinumpirma rin sa amin na kasama si Shaina Magdayao sa nakaraang Singaporean trip kasama ang buong pamilya nu’ng nakaraang Holiday, regalo ito ni John Lloyd sa mga pinsan at pamangkin niya na magkakasing-edad samantalang isinama naman ni Shaina ang dalawang pamangkin nito. Aminadong pagod pero para sa aktor ay worth it naman ang naging bakasyon nilang ito.

Nagdesisyon ding gawin ng pribado ang relasyon nila ni Shaina, ipinaliwanag sa amin ni John Lloyd na isa sa pagkakamaling nagawa niya ay sobra siyang nagtiwala sa ibang tao pagdating sa personal niyang buhay na kung ang iba ay na-aapreciate ang pagiging sobra nilang open at totoo, ang iba ay nakahanap ng pagkakataon na makagawa ng mga bagay na ‘di nakatutulong gaya nga ng pagsusulat ng kung anu-ano. Para sa aktor ay mas magandang tahimik na lang sila, alam ng mga tao na masaya silang dalawa at ine-enjoy nilang dalawa ni Shaina ang kanilang relasyon.

John Lloyd Cruz, ayaw nang isapubliko ang lovelife nila ni Shaina Magdayao!

AFTER HIS break-up with Rachelle Ann Go, masaya at may bago nang inspirasyon sa buhay ngayon si Christian Bautista sa katauhan ng naging kasama sa Kitchen Musical na si Carla Duareneu. Isang Singaporean/Romanian na isang dating child actress na ngayon ay isa nang artista at model sa Singapore, nagkasama lang ang dalawa sa nasabing musical play at dito ay nagkakilala hanggang sa unit-unti ay nagkahulugan ng loob. Lumabas ang picture recently kung saan magkakasama sina Christian at Carla, Karylle at Yael Yuzon ng Spongecola at nabalitang nag-date daw ang mga ito.

Ikinuwento sa amin ni Christian na nasa bansa si Carla few days ago, nagkaayaan silang lumabas na mga taga-Kitchen Musical pero sila lang anim ang pumuwede kasama ang isa pang mag-boyfriend sa grupo kaya lumabas tuloy na pare-parehas sila.

Naipakilala na sa mga magulang niya nang pumunta ang mga ito sa Singapore at nakilala na rin ang pamilya ni Carla, nang tanungin namin kung nanliligaw na ba siya rito, papunta na roon ang isinagot sa amin ng singer pero mukhang pormalidad na lang ang kulang kung ang pagbabasehan daw ay ang sweetness nila Carla at Christian nang lumabas ang mga ito. ‘Di rin problema kung long distance man ang magiging relasyon ng dalawa, adbantahe kay Christian na marami siyang trabaho sa Indonesia kung saan bago siya tumuloy rito ay nag-i-stop over muna siya sa Singapore kung saan nagkikita sila ni Carla.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING