John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao, totohanan na?

John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao, totohanan na?Nakarating sa amin ang litratong ito nina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao na nasa isang gathering, na nagsisimula na ngang kumalat sa Internet. Lagi’t lagi namang umiiwas ang controversial celebrities ‘pag tungkol na sa umano’y relasyon nila ang itinatanong ng entertainment press. Kapwa nga tikom ang kanilang mga bibig sa issue.

Sa litratong ito, mukhang may ‘something’ nga kina Lloydie at Shaina. Kundi ba naman, tingnan n’yo na lang ang pagkakaakbay ni Lloydie kay Shaina. Friendly akbay nga lang ba ‘yan? Ano pa nga bang kumpirmasyon ang kailangan natin para masabing totohanan na nga ang relasyon ng dalawa?

Siguro ang tanong na lang na kailangang sagutin nina John Lloyd at Shaina ay kung saang event o gathering sila napitikan ng litratong ito?

Sabi nga ni Ogie Diaz sa kanyang kolum kahapon dito sa Pinoy Parazzi, totoong na-sight niya sina John Lloyd at Shaina sa birthday party ng ABS-CBN TV exec na si Cory Vidanes. Hindi na nga raw itinanong Ogs sa dalawa kung sila na, dahil baka ‘pag nag-deny ang dalawa eh, sumama pa ang loob n’ya.

Hindi kaya sa nasabing party nakuhanan ang ‘very sweet’ moment na ito ni John Lloyd at Shaina? Hmmm… Bakit naman kasi kailangan pang itago ang kanilang relasyon? Kung kami ang tatanungin, wala naman kaming nakikitang masama o mali sa kanilang relasyon, kung sakaling sila na nga. Very much single ang bawat isa at wala naman silang sabit, ‘di ba? Hay, para lang kaming nanonood ng telenovela… hindi nauubusan ng bitin! He-he-he!

ni Dani Flores