John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao, kumpirmadong nagkabalikan na!

ADVERTISING

John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao, kumpirmadong nagkabalikan na!

John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao, kumpirmadong nagkabalikan na!KINUMPIRMA MISMO ni Vina Morales na nagkabalikan na ang kapatid na si Shaina Magdayao at ang boyfriend nitong si John Lloyd Cruz. Nagsimula ang kumpirmasyon kay Kuya Germs na sinang-ayunan naman ni Vina. Ayon sa singer, ‘di na niya ikinagulat kung nauwi sa pagbabalikan ang dalawa dahil nakita naman niya kung gaano kaganda ang tratuhan ng dalawa at kung gaano kalalim ang concern ng mga ito sa isa’t isa.

Sa tanong namin kung ‘di ba siya nagkaroon ng tampo sa aktor dahil nasaksihan niya kung gaano nasaktan ang nakababatang kapatid sa pag-hihiwalay ng mga ito, nilinaw sa amin ni Vina na kahit kailan ay ‘di siya nagkaroon ng sama ng loob kay John Lloyd, malungkot lang siya dahil nakita niyang nalungkot nang sobra si Shaina. Pero sini-guro niya sa amin na maayos ang samahan nila ng mahusay na aktor bilang kasintahan ng nakababatang kapatid.

Regular na napapanood sa Nasaan Ka, Elisa?, nagkatambal muli ni Vina si Robin Padilla sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya na balitang mataas ang naitalang ratings. Bukas makatrabaho muli ang ex-boyfriend at masaya si Vina dahil bukod sa tanggap pa rin ng publiko ang kanilang tambalan, nakita niya na malaki ang in-improved nila pareho ni Robin bilang indibidwal at bilang magkatrabaho.

 

ADVERTISING

SA PANAYAM namin kay Angel Locsin sa shooting ng pelikulang ginagawa nila ni John Lloyd Cruz under Star Cinema, agad naming hini-ngan ng reaksyon ang aktres sa nabitawang salita ng rumored boyfriend na si Phil Younghusband na gusto na niyang i-spend ang future niya sa aktres.’

John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao, kumpirmadong nagkabalikan na!

Ayon naman kay Angel ay magtu-27 na rin siya at ayaw na rin niyang mag-aksaya ng oras kung ‘di rin lang seryosohan ang magiging relasyon niya. Hindi pa man maibigay ang totoong estado ng kanilang relasyon dahil wala pang pormalidad talaga sa kanilang dalawa, pero siniguro sa amin ni Angel na alam naman ni Phil na para siya rito at para rin naman sa kanya ang Azkals player. Aminadong masaya siya sa ngayon sa kanyang buhay at isa si Phil sa nagbibigay sa kanya ng kasiyahan na iyon, kitang-kita naman na blooming at mukhang kuntento talaga si Angel na ang laki ng ipinayat kumpara noong huli namin siyang nakita.

Very proud din ang aktres dahil si Phil ang naka-score sa friendly game ng Philippine Azkals at LA Galaxy, kung saan kahit natalo ang koponan ng Pilipinas, masaya naman ang mga ito dahil nakalaban ang isa sa nangungunang football team sa buong mundo. Masayang kinuwento sa amin ni Angel na ipinagmalaki sa kanya ni Phil ang jersey na binigay rito ni David Beckham at ang mga pictures kasama ang idolo. Dagdag na kuwento sa amin ng aktres, bata pa lang ang magkapatid na Phil at James ay sobrang iniidolo na ng mga ito si David Beckham, kung saan ginaya pa ng mga ito kahit ang haircut ng football superstar.

Kilala naman si Angel na seryosohan kung maki-pagrelasyon at ‘di papasok sa isang bagay na ‘di nito mapaninindigan. Alam namin na ‘pag pormal na naging sila na talaga ni Phil, ‘di niya ito itatago sa publiko at aaminin ang katotohanan.

Sa kabilang banda, masaya at excited sa kauna-unahang pagkakataon ng pagtatambal nila ni John Lloyd sa pelikula pagkatapos na magkasama sa seryeng Imortal, ipinagmalaki sa amin ni Angel na kakaibang John Lloyd at Angel ang mapapanood dito ng publiko na tiyak na magugustuhan ng tao ang kanilang mga karakter lalo’t makatotohanan ang tema ng istorya.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING