John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo, may tampuhan?

John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo, may tampuhan?John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo, may tampuhan?MAUGONG NGAYON SA sa apat na sulok ng showbiz ang balitang nag-iiwasan daw ang box-office royalties na sina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo. Napansin kasi kamakailan ng mga manonood that they were uncomfortable with each other in ASAP.

John Lloyd and Sarah shed light on the rumors during the presscon of Lucky Me which I hosted. Inamin ni Sarah na nagkaroon nga ng ilangan sa pagitan nilang dalawa. “Kung nagkatuluyan at naging asawa ko siya, maiilang pa rin siya,” biro naman ni John Lloyd. Naudlot nga ba ang kanyang panliligaw sa dalaga? He declared that he doesn’t believe in courtship. “Mas naniniwala ako sa companionship.”

Sa store opening ng kanyang ini-endorse na clothing line, Sarah admitted that she is not yet ready to have a boyfriend. Career at studies daw ang priorities niya ngayon. She prefers a non-showbiz guy to be her boyfriend dahil malayo raw sa intriga and temptations. Okay na raw sila ni John Lloyd ngayon. Sarah was very polite for not commenting when asked about the girls being linked to John Lloyd.

Ang dami kong tanong katulad ng marami. Ano nga ba ang ugat why they are uncomfortable with each other? Dahil ba matagal na silang hindi nagkakasama after their blockbuster movies A Very Special Love and You Changed My Life kaya may konting distance between them? Is it because Sarah was pinpointed as the alleged cause of John Lloyd and Liz’s breakup? May mga pangako bang hindi natupad? Were they just friends? Naiintriga ako.

Sana ay magkaayos na sina John Lloyd at Sarah sa anumang sama ng loob nila sa isa’t isa. Kung meron man.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda