John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado, matagal nang pangarap ang isa’t isa

ADVERTISING

John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado, matagal nang pangarap ang isa’t isa

Jennylyn Mercado and John Lloyd Cruz
Jennylyn Mercado and John Lloyd Cruz

Matagal nang hinihintay ang tambalang John Lloyd Cruz, Jennylyn Mercado, at Direk Cathy Garcia-Molina.

ADVERTISING

Dapat daw noon pa nagsama ang tatlo, the fact na kilala sila as “RomCom King” (Lloydie), “Hugot Queen” (Jen), at “RomCom Director” (Direk Cathy) na inaasahan na bongga ang produkto na pagsasamahan nilang tatlo.

May problema lang kasi sa kani-kanilang schedules kaya hindi nai-book kaagad ang tatlo sa isang project. Ang tagal ng waiting, ‘ika nga, bago natuloy.

Si Jen, matagal na niyang pangarap na makasama ang aktor sa isang project, at gayon din si Lloydie na very vocal na halos lahat ng mga leading ladies sa showbiz ay nakasama na niya sa pelikula; walang dahilan na after ng box-office movie nila ni Bea Alonzo na “A Second Chance”, dapat si Jennylyn na ang magiging leading lady niya sa next movie niya.

ADVERTISING

Kaya nga nang maging maluwag ang schedule ng tatlo from their commitments, hindi na nagdalawang-isip ang Star Cinema na gawin ang “Just The 3 Of Us” na mapanonood na sa April 27.

Sabi, ang pelikula nina Lloydie at Jen sa direksyon ni Direk Cathy ang biggest romcom ngayong tag-araw kahit makipagsabayan pa sila sa isang foreign movie tungkol sa isang American super hero.

Sabi nga ng aktor, “Tagal ko nang dream na si Jennylyn Mercado  ang makapareha ko sa movie. Suwerte naman na after ng project ko with “Hele sa Misteryong Hapis” at promo ng movie, nagkaroon ng chance na maisingit ang movie namin with Direk Cathy.”

The fact na si John Lloyd Cruz ang undisputed RomCom King ng showbiz, may tatalo pa ba kay JLC? Kung maaalala pa, gumawa ng record ang pelikula nina John Lloyd at Bea na highest grossing non-Metro Manila Film Festival (MMFF) movie of all time last year (2015).

Bilang resulta ng tagumpay ng “A Second Chance” sa takilya, si John Lloyd ay pinarangalan din bilang isa sa mga Phenomenal Stars Of 2015 sa katatapos lamang na 47th Box Office Entertainment Awards. Tumanggap din si John Lloyd ng papuri sa kanyang mahusay na pagganap sa “Honor Thy Father” sa 2015 MMFF at para sa kanyang pagganap sa internationally acclaimed historical film na “Hele Sa Hiwagang Hagpis”.

For this film, personally ay excited ako kung papaano ako pakikiligin ni Lloydie sa bago niyang movie, aminado ako na fan ako ni Lloydie pagdating sa mga pelikula niyang romcom.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING