John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, imposibleng ‘di nagkaroon ng ‘something’

ADVERTISING

John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, imposibleng ‘di nagkaroon ng ‘something’

Bea-Alonzo-John-Lloyd-CruzANG DAMING miyembro ng kulto nila. Yes, may cult following na talaga basta John Lloyd Cruz and Bea Alonzo ang

pelikula. Pakiwari ko nga, member din ako ng kulto nina Popoy at Basha.

Nabuo ang sinasabing “cult” nina JLC at Bea nang magsama ang dalawa sa pelikula nila from Star Cinema, ang One More Chance na dahil sa proyekto, nabitin ang mga tagahanga nila. Nagtapos kasi ang kuwento ng pelikula sa “honeymoon” nilang dalawa. Remember ‘yong eksena sa ilalim ng kumot na maririnig mo ang harutan nina Popoy at Basha na kinilig ang mga manonood?

Kaya nga come Wednesday, November 25, ipagpapatuloy ng dalawa ang pangarap ng mga tagahanga na magkatuluyan sila sa kuwento ng pag-ibig nina Basha at Popoy via the movie A Second Chance.

ADVERTISING

Maging ang mga pinsan namin sa Middle East, hindi pa man naipalalabas sa Manila ang pelikula, nagtatanong na sila kung kalian ang schedule ng showing sa Dubai at sa Riyadh.

Sa mga nakapanood na ng full trailer ng movie, super hugot daw at emote ang pelikula ni Direk Cathy Garcia-Molina. Sa katunayan, bago pa man nauso si Direk Antoinette Jadaone na sinasabi na ang mga obra ay sandamakmak ang mga hugot lines sa kanyang mga pelikula, mas mauna yatang ‘di hamak ang mga pelikula nina JLC at Bea kung hugot din lang naman ang pag-uusapan.

Sa mga tagahanga ng mga karakter nina Popoy at Basha, I’m sure noon pa man, marami nang mga quotable quotes ang mga eksena sa pelikula na until now, after almost eight years ay nakakintal pa rin sa isipan ng mga romantikong Pinoy ang mga dialogues nina Popoy at Basha sa isa’t isa.

Pero alam n’yo ba na never nagkaroon ng relasyon ang dalawa na akala natin ay may something between John Lloyd and Bea lalo pa’t ilang pelikula na rin ang pinagsamahan nila na sumakay tayo sa love story nila? Sinabi ni JLC na never silang nagkarelasyon. Inayunan din ito ni Bea nang humarap sila sa grand presscon ng pelikula nila last week.

Maniniwala ka ba na walang something na nabuo sa kanila kahit mutual understanding man lang? Mahirap din kasi na umarte nang ka-believe-believe na halos lahat ay napaniniwala dahil sa mga ginagampanan nilang mga role.

Feedback nga ng mga fans nina Popoy at Basha sa social media, kung walang Angelica Panganiban ang aktor at walang Zanjoe Marudo si Bea sa kani-kanilang mga personal na buhay, baka raw mas maigi na silang dalawa ang magkatuluyan.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING