John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, papunta na sa kasalan?!

ADVERTISING

John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, papunta na sa kasalan?!

John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, papunta na sa kasalan?!JOHN LLOYD Cruz and Angelica Panganiban recently celebrated their first anniversary in Bangkok, Thailand. Mula sa mga litratong pinost ni Angelica sa kanyang Instagram account ay makikita sa kanilang mga mukha ang sobrang kaligayahan.

Bakit ba sa Bangkok nila piniling mag-celebrate? “Pareho lang naming gusto ang Bangkok. Pareho kaming mahilig sa Thai food. When we travel talagang kasama sa itinerary iyong pagkain,” paliwanag ni Lloydy.

Gustuhin man nila ay hindi nila mapipigilan ang kanilang mga detractors sa patuloy na pambabatikos sa kanila. Sabi nga, you cannot please everybody. Naging manhid na lang sila sa mga negative comments dahil ang mahalaga ay nagmamahalan sila at masaya sa piling ng isa’t isa. Walang atrasang sinabi noon ni Angelica na, “Kung kaya nila mang-asar eh, ‘di ganoon na lang din gagawin ko sa kanila. And kung naasar sila sa mukha ko eh, ‘di ilalagay ko nang ilalagay mukha ko. Kung ayaw nila ako makita, huwag nila ako i-follow.”

Sa katunayan raw ay mas lalo nilang nararamdaman ang tindi ng kanilang pagmamahalan. Madalas ding pabaunan ni Lloydy si Angelica ng pagkain at hinahatid-sundo pa ito sa trabaho. “Ginagawa ko lang kung ano [ang] dapat ginagawa. Hindi siya trabaho, hindi siya obligasyon,” sabi ni Lloydy.

ADVERTISING

John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, papunta na sa kasalan?!He recently celebrated his 30th birthday at ang naging punong-abala rito ay walang iba kundi si Angelica. Sinabi ng aktres na alam naman ni Lloydy ang plano. Nagulat lang daw ito dahil hindi niya inakala na ganoon kalaki ang inihandang birthday party sa kanya.

Parang lalanggamin sa ka-sweet-an ang dalawa kaya many are asking if the two stars are now ready to settle down. “Kaya ka siguro nasa isang relationship at wino-workout iyong relationship dahil doon ninyo gusto mapunta,” sabi ni Angelica.

Ano nga ba ang kanilang dream wedding? Angelica shared, “Siguro regardless kung anong klaseng wedding mayroon kayo, important iyong marriage, iyong pagsasama. Iyon lang.”

Lloydy jokingly said, “P’wede siya mangyari next week. Ay, hindi pala! Kailangan kong kumuha ng wedding planner. Kailangan kong magpa-reserve sa church. Wala akong target date, wala akong target age. Wala talaga but siguro mangyayari na lang.”

Let’s wait and see at baka sa susunod ay totoong kasalan na ang ating pag-uusapan tungkol sa dalawa.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING