John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, paplanuhin ang kasal sa 2017?

ADVERTISING

John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, paplanuhin ang kasal sa 2017?

Angelica-Panganiban-John-Lloyd-CruzAkala ko nga may something between John Lloyd Cruz at Angelica Pananiban dahil umalis mag-isa ang aktres na hindi kasama ang boyfriend. Kung hindi ako nagkakamali, before the premiere night of A Second Chance ay umalis na ang aktres na ikinagulat ng marami kung bakit na dati-rati’y palagi silang magkasama ni Lloydie na nagbabakayon.

This time si Angelica, mag-isang dini-discover ang New York City minus ang kanyang “love”na si JLC. Enjoy siya sa paglalakwatsa at siyempre ang pagse-selfie niya na sakay ng bus, subway (na namali pa siya ng nasakyang ruta). Sa kanyang solo vacay sa Big Apple, nanood siya ng NBA game between New York Kicks at Miami Heat sa Madison Square Garden.

Gusto ni Lloydie na magbakasyon sila ng girlfriend. I just don’t know kung nagkasundo na sila ng producer ng MMFF 2015 entry niya na “Honor Thy Father”, dahil sa pagkakaalam ko, ayaw siyang payagang umalis during the film’s promotion at sa awards night. Dahil kung mananalo ang pelikula at siya bilang aktor, malaki ang maitutulong nito sa promotion ng pelikula para pilahan ng tao.

For 2016, maraming sorpresa sina JLC at Angelica. Balita nga namin, next year ay paplanuhin na ng dalawa ang magiging kasal nila sa 2017.

ADVERTISING

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING