John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, ine-enjoy lang ang isa’t isa!

ADVERTISING

John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, ine-enjoy lang ang isa’t isa!

John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, ine-enjoy lang ang isa’t isa!

 SOBRANG HALATA na sa kanilang mga kilos sina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz na mayroon na talagang magandang namamagitan sa pagitan nilang dalawa sa ngayon.

Kung papansinin ang mga kilos ni Lloydie, naroon na talaga ‘yung sobra niyang pagpoprotekta sa magandang aktres kapag silang dalawa ang magkasama. Hindi lang iyon ginagawa ng actor sa dalaga dahil mayroon silang pinagsasamahang project ngayon, kundi naroon talaga ang pag-aalaga niya kay Angel, dahil parang sobrang mahalaga na sa kanya ngayon ang ex-girlfriend ni Derek Ramsay.

Parehong maaliwalas ngayon ang mga mukha nina Angelica at John Lloyd. Nawala na ‘yung kalungkutan na dati’y nakarehistro sa mga mata ni Angelica sa tuwing mapag-uusapan ang nangyari sa relasyon nila ni Derek.

ADVERTISING

Matigas dati ang byuti ng aktres. Pala-ngiti na ulit ngayon si Lloydie, mga ngiting parang mayroong gustong ipakahulugan kung bakit kakaiba ang saya niya ngayon, pagkatapos ng ilang buwan na maghiwalay sila ni Shaina Magdayao.

Parang malakas ang impluwensiya ni John Lloyd kay Angelica. Kung dati-rati, kapag may bagong karelasyon si Angelica, ang ipinagpapauna niyang salita ay “what you see is what you get”, ngayon ay pareho na sila ng katuwiran ni Lloydie, na kahit nagpapakita na sila ng magagandang senyales tungkol sa lumalalim na nilang closeness ngayon, iisa ang kanilang sinasabi. Na ine-enjoy lang muna nila ngayon ang anumang meron sila, at magsasalita rin naman sila bilang pag-amin sa takdang panahon.

 

LAGING IPINAGPAPASALAMAT ni Jennylyn Mercado na pagkatapos niyang manganak kay Alex Jazz na anak nila ni Patrick Garcia, unti-unti niyang naramdaman na nagiging magaan ang kanyang pagbabalik-showbiz. Nagsimula sa mga pangako ng kanyang home studio, ang GMA-7, na may mga nakalaan daw proyekto para sa kanya, kaya maghintay lang, at iyon naman ang kanyang ginawa. Ngayon ay ratsada na siya sa dami ng trabaho.

John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, ine-enjoy lang ang isa’t isa!

Nakabawi na nga si Jennylyn mula sa mga pinagdaanan niyang hirap, lalo na sa usapin ng pakikipagrelasyon. Magmula sa ugnayan nila noon ng dati niyang ka-loveteam na si Mark Herras, hanggang sa mabuntis nga siya ni Patrick at sinundan ni Dennis Trillo, aminado ang Kapuso star na parang hilahod siya noon, at napasabay pa noon ‘yung problema nila ng dating personal assistant na humantong pa sa husgado.

Sa kasalukuyan, nagtatagal na rin ang relasyon nina Jennylyn at Luis Manzano, na inaamin niyang parang sobrang magaan ang relationship nila ng anak ni Governor Vilma Santos-Recto, kaya kahit mayroon pa rin siyang ibang mumunting problema, nagiging magaan pa rin dalhin para sa kanya.  Samantala, hindi naman pikon si Jen sa biruan na magkasama ulit sila ngayon ni Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa drama series na Indio ng GMA, lalo pa’t nagkaroon ng isyu tungkol sa kanilang dalawa noong una silang magkapareha

sa pelikula.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING