John Lloyd Cruz at Angel Locsin, kaliwa’t kanan ang love scenes!

ADVERTISING

John Lloyd Cruz at Angel Locsin, kaliwa’t kanan ang love scenes!

John Lloyd Cruz at Angel Locsin, kaliwa’t kanan ang love scenes!

BLIND ITEM: Nagtatampo ‘yung isang artistang katsika namin sa isang TV host. Pinayagan daw niya itong ma-invade ang bahay niya.

Ipinalabas na ito sa TV show ng TV host at siyempre, habang tinu-tour siya sa house nito ay manghang-mangha ang TV host sa bonggang house ng naturang artista.

“At kahit balikan n’yo pa ‘yung episode na ‘yon, mararamdaman mo talaga sa kanya na sobrang sincere siya sa paghanga niya sa akin. Ako naman, all the while akala ko, bilib din siya sa design ng bahay ko, sa ayos, sa mga gamit. Puring-puri niya!

ADVERTISING

“After a few weeks, ‘eto na. Ilang tao na ang nakakausap ko na nakakausap nila si ____ (TV host) at sinasabi nila sa akin na kesyo hindi siya nagandahan sa bahay ko, nanegahan siya. Tapos, ang dami pang suggestions sa mga common friends namin na sana raw, ang ginawa ko sa bahay ko, eh, ganyan, ganito.

“Hindi ko alam na bukod sa pagiging TV host, interior designer din pala siya? At hindi lang pala ako ang biktima niya. Me mga side comment din siya sa bahay ni (isang young actress).”

Isa lang ang sinabi namin sa kausap naming artista: masanay na siya sa TV host, dahil ever since naman ay ‘yun na ang ugali nito. In fairness to the tv host, ‘pag maganda naman sa paningin nito, parang sirang plaka itong ikukuwento kung kani-kanino.

Kaso nga lang, noon pa ugali na ng TV host ang mag-side comment, kaya dapat lang na masanay na kayo.

 

LILINAWIN LANG namin, ha? Ang Showbiz Inside Report ay ipinanganak hindi para pataubin ang Startalk. Ang tagal na nila sa industriya para sila’y matibag pa.

Parang Eat Bulaga lang ‘yan na ilang beses nang tinapatan, pero nananatiling nandiyan at bahagi na ng pananghalian ng bawat Pinoy.

John Lloyd Cruz at Angel Locsin, kaliwa’t kanan ang love scenes!

Ang talk show namin nina Joey Marquez, Janice de Belen at Carmina Villaroel ay isang breaker sa lahat ng mga talk shows. Hindi para kami’y mang-intriga masyado. Bagkus gusto lang naming ipakilala ang bawat mukha ng isyu.

Tulad bukas, since me “inside” sa title, kaya ‘yung “kaloob-looban” ng isyu sa kampo ni Janelle Manahan at kampo ni Genelyn Magsaysay ang tatalakayin.

Si Joey Marquez, ang damdamin ng ama ni Janelle ang tututukan. Gaano ba katibay ang loob nito sa pinagdaraanan ng anak? “Bilib ako sa father ni Janelle. And at the same time, meron akong natutunan sa kuwento niya.”

Si Carmina naman ay winan-on-one si Janelle at ‘yung mga hindi pa naitatanong ng ibang shows kay Janelle, si Carmina ang nag-usisa.

Si Janice naman, dahil matagal nang isang ina ay ‘yung ina sa puso ni Genelyn ang kanyang aalamin. At kami nama’y ang pulso ng mga estudyante, manininda sa labas ng mga eskuwelahan ang aalamin namin: kanino ba ang kanilang simpatya? Sa inang namatayan ng anak, nakulong ang isa pang anak at inaakusahan din ang isa pang anak o sa dalagang namatayan ng boyfriend, nabaril sa mukha, umaming naging battered girlfriend at ngayo’y me kumakalat na video scandal?

Lahat ng ‘yan, bukas sa Showbiz Inside Report pagkatapos ng huling live episode ng Happy, Yipee, Yehey!

 

FEBRUARY 15 na ang showing ng Unofficially Yours, pero limang araw pa ang nalalabing shooting ng movie na ito nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin.

Juice ko, ang dami palang love scenes dito ng dalawa. Sabi nga ni John Lloyd, “Para itong ‘No Other Woman,’ pero ibang klase. Pati ‘yung mga love scenes namin, very cinematic.”

Hindi kaya sila ma-Rated R?

“Hindi naman. Baka PG-13 or mas maganda siguro kung for General Patronage ito, eh!”

Kalokah, nu’ng ke Sarah Geronimo, nagnanakaw lang ng halik si John Lloyd sa singer-actress. Ngayon naman, bigay-todo sila ni Angel sa Unoficially Yours.

Ano ‘yon, nanabik?

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING