John Lloyd Cruz at Andrea Torres, makakasama ni Willie Revillame sa isang sitcom?

NABUHAYAN ng dugo ang mga loyal fans ni John Lloyd Cruz sa muling pagbalik nito sa showbiz. More than a week ago ay ipinaalam ng Crown Artist Management ni Maja Salvador na sila na ang mamamahala sa showbiz career ng award-winning actor, na matagal na rin namiss ng mga fans niya.

John Lloyd Cruz at Andrea Torres, makakasama ni Willie Revillame sa isang sitcom?
Willie Revillame, Andrea Torres and John Lloyd Cruz

Kamakailan lang ay naispatan si John Lloyd Cruz na kasama ang Wowowin host na si Willie Revillame kung saan nakatakda itong lumabas sa upcoming 6-6 Shopee Super Mega Fiesta Special na may paandar sa Smart Araneta Coliseum at mapapanood sa GMA-7.

Sabi nila, patikim lang daw ito sa napipintong paglipat diumano ni John Lloyd sa Kapuso Network. Ang tsika ay isang sitcom ang pagsasamahan nina Lloydie at Willie Revillame.

Sa mga sobrang bata pa para makaalala, unang nakilala bilang komedyante si Willie Revillame na madalas lumabas bilang sidekick ng mga action and comedy stars lalo na noong 90’s. Two decades pa ito huling gumawa ng acting project dahil nag-focus na ito sa pagiging isang noontime host sa Magandang Tanghali Bayan kasama sina John Estrada at Randy Santiago. Sa kanilang tatlo, si Willie ang mas tumatak sa masa kaya naman naging host ito ng Wowowee. Nadaanan na ni Willie lahat ng major networks ng bansa at nananatiling blocktimer sa Kapuso Network.

Ang sexy Kapuso actress na si Andrea Torres ang napipisil na makakasama nina Willie at John Lloyd sa kanilang sitcom. In fairness, may comedic timing si Andrea at wala rin itong kiyeme sa green jokes as seen during her Bubble Gang days.

Interesting para sa maraming tao ang napipintong pagsasama nina John Lloyd at Andrea. Engaged to be married na kasi ang kanilang mga ex-dyowas na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay. Wow, paano kung sina John Lloyd at Andrea din pala ang destined to be together? Wowowin ‘yan talaga!