John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, kumpirmadong hiwalay na;
Make-up artist at fashion designer, kinahuhumalingan daw ng aktor

ADVERTISING

John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, kumpirmadong hiwalay na; <br> Make-up artist at fashion designer, kinahuhumalingan daw ng aktor

John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, kumpirmadong hiwalay na;  Make-up artist at fashion designer, kinahuhumalingan daw ng aktorHindi ko alam kung intinaon or nagkataon lang talaga na nang mag-split si Bea Alonzo at ang boyfriend niyang si Zanjoe Marudo ay siya namang pumutok ang kuwento na hiwaly na rin sina John Lloyd Cruz at ang girlfriend niya na si Angelica Panganiban.

ADVERTISING

Akala ko nga, tsismis lang ang hiwalayan ng dalawang couples or masasabing gimmick, dahil si Z (Zanjoe) may bagong teleserye na ipapalabas, at sina Angelica at Lloydie naman ay one of those tsismis lang na paulit-uit na lang pinag-uusapan sa showbiz.

‘Yun pala, kumpirmado na hiwalay na ang dalawa last January 16 na kinumpirma ng kaibigang Ogie Diaz sa kanyang DZMM weekly radio show na “OMJ” with MJ Felipe.

Bilang isang malapit na kaibigan ni Lloydie at kasama sa sitcom na “Home Sweetie Home”, ang kumpirmasyon ni Ogie ay parang kumpirmasyon na rin ni JLC sa estado ng relasyon nila ni Angelica na earlier ay nagpahayag na sila pa rin diumano ng boyfriend niya sa kabila ng mga sabi-sabi at balita.

ADVERTISING

Ayon kay Ogie ‘friends’ pa rin daw sina Lloydie at Angelica Panganiban kahit magkahiwalay na sila.

Pinatotohanan ni Ogie na ayon kay Lloydie, hindi sila naging “item” ni Bea. Ang relasyon naman nina Lloydie at Angelica ay inabot lang ng tatlong taon.

Pero ang latest, may nakapagbulong sa amin, a certain make-up artist and fashion designer named Charina Sarte ang babaeng tunay na mahal na mahal ni Lloydie, even before ongoing pa ang relasyon nina Lloydie at Angelica.

Isang sikat na fashion designer at make-up artist si Charina na nagse-service sa mga sikat natin na mga celebrities.

Syala ang Charina. As a fashion designer, may showroom siya sa Greenbelt 5 at sa Paris.

Sosyalera pala itong si Charina, ayon sa kuwento ng source namin na noon pa man daw, mula nang makilala ni Lloydie ito ay hindi na raw naalis sa isipan ng aktor si Charina kahit na may Angelica na ito.

Maraming mga showbiz clients si Charina as a fashion designer and as a make-up artist. Sa katunayan, si Kris Aquino ay client ni Charina sa kanyang profession as a make-up artist.

Noong presscon ng pelikula niyang “Honor Thy Father” noon, gusto ko na sanang uriratin si Lloydie tungkol sa balita na nakarating sa amin, pero walang chance para makausap namin nang personal ito.

Kung maaalala pa, si Lloydie ay minsan na ring romantically-involved sa fashion stylist na si Liz Uy na hindi rin nagtagal ang relasyon.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING