John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao, spotted in Paris!

ADVERTISING

John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao, spotted in Paris!

John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao, spotted in Paris! ASA PARIS, FRANCE pala ang magdyowang John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao. Wala naman kaming nabalitaang may show ang dalawang Kapamilya stars sa nasabing bansa, kaya hinala namin na naglalamyerda ang mga ito roon.

ADVERTISING

Nakatanggap pa nga kami ng litrato nina Lloydie at Shaina, kung saan galing ang dalawa sa pagsi-shopping sa H&M Champs Elysees sa Paris nito lang nakaraang Sabado. Mukhang todo-enjoy ang magdyowa ngayon sa kani-lang free time, matapos nga ang hectic na schedule ni John Lloyd sa teleserye nila ni Angel Locsin na Imortal. Ang balita pa namin, talaga naman daw galante sa girl itong si John Lloyd at sobra talagang magbigay ng regalo sa dyowa. Gusto lang marahil ipadama ni John Lloyd kay Shaina kung gaano kalaki ang pagmamahal niya sa dalaga. Ganu’n?

 

Parazzi Wires Photo

ADVERTISING

By Dani Flores
HotSeat-HotShot!
By Ronald M. Rafer

ADVERTISING